Dali-dali kong kinapa yung celfone ko sa bag bago pa man malaman ni Miss na naka-bukas phone ko.
Huh? Si Gino? Ba’t siya tumatawag? Then I canceled the call.
Tapos tumunog uli.Sinulyapan ko uli ang fone ko, tsk, ang kulit talaga.
Di ba niya alam na may class ako? I canceled the call again and decided to turn it off ng mag text ang mokong.
From Gino Masungit: Where the hell are you? Why are you not answering my call?!
Hay naku Gino, patience..patience. And take note wala man lang hello babe, o kahit baby na lang. Amp..kung hindi lang talaga kita mahal!!
I replied: I have a class po okay? I’m going to turn off this phone na lagot ako kay Miss pag nahuli niya ako.
Gino Masungit: May lakad tayong importante. Mag-paalam ka na lang kay Miss.
Baliw talaga to, I’m in the middle of my class tapos pinapalabas ako.
Replied: Ayaw ko.
Pagmamatigas ko.
And then out of nowhere, I saw him standing at the door talking to miss.
‘Okay Santos, you are excuse. May emergency daw sa family niyo.’
I can’t believe this is happening. Gino got his way again kahit kay prof.
‘Ah, okay po..’ I said slowly while gathering my things. ‘Sige po miss, thank you po’ paalam ko pagdating sa may pinto. Buti na lang no one asked kung bakit si Gino yung nagpa-alam sa’kin.
‘Gino, ano na naman to?’ I hissed at him. Hindi puwedeng kahit may klase hihilahin na lang niya ako.
‘Ay naku, don’t argue na bilisan mo’ hila sa’kin.
‘San ba kasi tayo pupunta? At ano naman yang emergency na yan? May klase pa ko pag nalaman to ni mama lagot ka, sige, susumbong kita. Besides -
‘Marga, for once, just shut up okay? Nakaka-irita ang inga-ingay mo, an sakit sa tenga’
Alululu..nagre-reklamo?! Syo-syotain ako tapos mag-re-reklamo na maingay ako??!
Hindi na nga ako umimik, pero ng makita ko na papunta sa bahay yung dinadaanan naming kalsada.
‘Uwi tayo sa bahay?’ ala, baka may emergency nga, kinabahan ako.
‘Sa bahay namin.’
‘Ha? Bakit? Anong meron?’ sunod-sunod kong tanong, first time ko kayang makapunta sa bahay nila. ‘Andun ba mommy mo?’ Ayaw ko ngang pumunta dun pag andun mom niya, magsu-suplada lang yun.
‘Margaaa…’ then gave me that looks that could kill if I will not shut my mouth. I know naiirita na siya sa’kin
‘Sorry!’ I mumbled, sumandal na lang ako at tumanaw sa labas. Ano ba talagang meron?
Pumasok na kami sa village. Wow..may guwardiya pa sila ah? Pang-mayaman. Hehe..wala kasing guwardiya yung village namin at wala ring gate. Kaya labas-pasok mga tao dun.
‘Be a good girl and behave okay’ para naman akong bata sa mga bilin ni Gino.
Hindi ako sumagot. Nakita kong may nagbukas ng mataas at malaking gate. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bahay nila Gino..menn, malaki talaga. Ngayon lang ako nakarating dito, di ako magala eh.
Inaayos ko na gamit ko when Gino talked again.
‘Okay, so..’ then he took a deep breath ‘you promise ah, magbe-behave ka and your mouth, watch your mouth ah.’
Eto naman si Gino kung makapag-salita akala mo naman kung nagmumura ako, di naman ah..minsan lang pag grabe na talaga.
‘Sige na mag-ayos ka na muna..’ looking at me.
I pulled my comb from my bag ‘Ano ba kasi ang meron at ang dami pang cheche-bureche..I need to behave, watch my word, be a good girl..anong meron?’
‘Andiyan nga si mommy saka si dad, papakilala kita’
Ha? Tumigil ako sa kalagitnaan ng aking pagsusuklay. ‘Ba’t di mo sinabi sa’kin??!’ di man lang ako nakapag-handa, naka-uniform kaya ako. Sana nag-dress man lang ako, nagpa-derma, nagpa-spa, parlor, pedi at mani. I’m soooo plain kaya today.
‘Tsk..wag na, mag-ayos ka man, ganyan pa din magiging itsura mo’
Puwedeng manaksak? Kung makapaglait naman ito, parang hindi niya ko gelpren.
‘Ako ba Gino, ginagago mo? Girlfriend mo ba talaga ako?’ may hands on my waist ‘Ka-asar ka tlga mghjkrweeadfgnf..-‘
The last thing I know, he was kissing me on my lips with his hands holding my face.
‘…Gihnoh…’ literally puro h yung lumalabas na sound sa bibig ko. Ayan, caught up na naman ako, di makapag-salita, makapag-react..eeeehh..kasi eh..si Gihnog kasi eh..
‘Wag ka na mag-lipstick, wag ka na rin mag-blush on’
‘Ah…’ my mouth was closed again by a very short sweet kiss that left me breathless.
‘Hurry up, nakakarami ka na sa’kin’ he said habang palabas ng sasakyan. Samantalang ako di pa rin maka-move on sa stolen kiss na yun, habang hawak ng dalawang kamay ko ang aking pisngi na umiinit.
Yun si Gino eh, laging spur of the moment kung kumilos kaya malamang magiging bipolar ako nito pag nagtagal.
‘Psst, what are you waiting for? Another kiss?’ Sabi nito sa’kin hawak ang pinto ng kotse na binukasan niya.
‘Eto na nga po’ nagmadali akong lumabas ng sasakyan bago pa uminit na naman ang ulo niya.
Kumalma ako ng maramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko.
‘Remember what I said okay?’ fixing my bangs ‘Nagpagupit ka ba?’ he stopped suddenly frowning while looking sa ayos ng buhok ko.
‘Ah..medyo, kunti lang’
‘Tsk, next time let me know if you’re goona have your hair cut’ naglakad na uli kami papasok sa bahay nila.
I rolled my eyes..pati ba buhok ko? ‘It’s just a hair Gino, besides nagpa-trim lang naman ako halos nga di ko naramdaman na umikli buhok ko. What’s wrong with that? Unless gusto mo ikaw magupit sa buhok ko..’ napa-ngiti ako, imagining Gino with a scissor in his hand.
‘Joke? Corny!’
Basag-trip talaga!
And so we argue over some petty stuff, but I find it fun arguing with him kahit sa mga maliliit na bagay lang. Gino tends to be control freak most of the time, buhok, damit, laging may side comment.
‘Walang kagana-gana..’
‘Be quiet, andun na sila mom’ pointing sa living room nila.
I can feel their gazes while we walk towards them. Pakiramdam ko it was the longest walk I did sa mga tingin nila. I hope hindi halata na conscious na conscious ako at kinakabahan.
‘Mom, Dad..si Marga po’
Na-realize ko na lang kaharap ko na sila at eto nakikipag-kuwentuhan with Gino beside me and holding my hand. Pero hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang mga pinag-uusapan, ngimi-ngiti lang ako.
Siguro kung dart pins yung mga mata ng mommy ni Gino kanina pa ko na bullseye. Ilang beses na hinagod ng mata niya ang buong pagkatao ko pati nga ata kaluluwa ko nakita na niya. See-through kung makatingin eh. On the other hand, Gino’s dad is one of the coolest dad I met on Earth.
Yung pagka-sporty ni Gino he got from his dad, while you pagiging perfectionist naman is from his mom.
Lunch went well, feeling ko lang nasa beauty contest ako with the questions I answered.
What is the essence of being Gino’s boyfriend?
Would you change your religion…?
If you would change one part in your body…
Joke, di naman yun ang mga tanong, pero nakaka-tense kaya, lalo na yung mom ni Gino. Hindi naman sa ayaw kong magustuhan nila ako but I do hope somehow they saw that I’m the girl who makes Gino happy. :)
‘It was nice meeting you Marga’
That’s Gino’s dad, na sweet din. Malamang sa kaniya nagmana si Gino ng kakornihan sa swet-sweetan.
‘Same here po Mr. Pa-‘
‘Tito na lang’ tapping my shoulder.
Eeee..close na kami. Si mudra na lang..
‘We’ll go ahead son. May lakad pa kami ng dad mo’
Enk, d magpa-paalam sa’kin?
‘Thanks for coming dear.’ Turning to me. Ngumiti lang ako, di ko alam kung anong sasabihin ko, I was not expecting she’ll say something to me.
‘Sorry about last time. I know Gino loves you and if that makes him happy being with you so be it, kung saan masaya ang anak ko, dun ako’
‘Thank you po’ Sana nga nasabi ko yun, mental block ako eh.
‘Pero wag kang magpapadala sa kaniya, matigas ulo niyan.’
‘Oo nga po’ smiling. I agree to the highest level, mag si-side comment pa sana ako kaya lang naramdaman ko yung kamay ni Gino at the back of my neck, baka sakalin ako.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na yung sasakyan nila ng bahay.
‘Hay…thank God!’ hinampas ko si Gino sa braso niya ‘Pahamak ka talaga kahit kelan.’
‘Yahooo..’ yakap sa’kin. ‘Finally, okay na din lahat.’
‘Okay, will you take me to school?’
‘School?’ bigla siyang kumalas, then with that kakaibang look in his face na parang may naisip na gawin, bumulong siya sa’kin ‘Let’s go to my bedroom.’
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gino. ‘Ginoo???!’ How could he suggest such thing to me? ‘How could you…?’ I’m disappointed. I turned my back on him to get my stuff at the couch.
Kahit naman loka-loka ako di naman ganun kalala ang sayad ko para pumayag dun. Akala ba niya porke’t mahal ko siya, okay na lang ang ganun? Of course not. Dalagang Filipina ako no..kahit di obvious.
-
saakinkalangiloveyou liked this
-
japsheartelmo liked this
-
kpgdelapaz liked this
-
jheikei liked this
-
trina-japsmoe liked this
-
superflorence liked this
-
julielmodabest liked this
-
charmainesrandomworld liked this
-
jenaration liked this
-
wazakakosiyakami liked this
-
eggmanshow liked this
-
alainecastillo liked this
-
celinejazmin liked this
-
iheartjulieandelmo liked this
-
chaching-chaching liked this
-
rowieanne liked this
-
jennikris14 liked this
-
skaterkicks liked this
-
pinakaadiksalahat liked this
-
alwaysyoursecondbest liked this
-
iheartsnsdsh liked this
-
julielmodontletembringudown liked this
-
hiedeemaldita liked this
-
funsizehippo liked this
-
superelikemo liked this
-
jrealm said:
I do love your story…keep it up! RomCom is cool and you are good in it…never had that in me…I always wait for your update/s…:)
-
jrealm liked this
-
juliemags posted this