Julie Anne S. Magalona
Future & Forever: Thirty - Eight

Naka-ilang baling na ako sa kama hindi pa rin ako makatulog. Ini-isip ko kasi si..pano kaya kami ngayon? Sobrang dami talagang tumatakbo sa isip ko.

Ano ba yan? Kung kelan gusto mong matulog di makatulog. Pag-ayaw mong matulog, inaantok ka. Baliktad talaga ang mundo.

KRIIIIINGGGGGGG!!!

Kinabahan ako, madaling araw na may tumatawag pa sa’kin? Hindi ko sana sasagutin pero ng makita ko yung number, napa-ngiti ako. Alam mo na.. :)

‘Hel -‘

‘Ba’t di ka pa natutulog?’

Talaga naman, maturuan nga ito si Gino ng proper phone etiquette next time.

‘Ah sige, matutulog na ko’ I said.

‘Tsk, sira ka talaga, ngayon matutulog ka na, kina-kausap pa nga kita eh’

‘Eh, ikaw kasi nagtatanong ka kung bakit di pa ko natutulog’

‘Hay naku, lika na lumabas ka na ng kuwarto mo para naman makita mo yung guwapong boyfriend mo’

Eeeee…did he just say ‘boyfriend mo?’. Malamang pahiya na naman ako kung sakaling magkaharap kami ngayon, uminit yung pisngi ko, sigurado namumula na naman ito. Sumilip ako sa bintana ng kuwarto at tiningnan kung andun nga siya, yung kotse niya nakita ko sa labas.

‘Uy.. still there?’

Andito nga siya…waaaaa….Napatalon ako sa kama at gumulong-gulong..yes..yes…yes!

‘Ah.., palabas na ko.’ controlling my excitement at halos tumakbo na ko palabas.

‘Good, bilisan mo ah, malamig dito sa labas.’

So eto na naman ako, mukhang tanga, tenga sa tenga ang ngiti….hehe. I can hear my heart beating so loud habang papunta kay Gino. Langya, na-miss ko siya ng sobra. Gusto kong pigiling yun ngiti para di obvious na excited  pero sigurado yung mata ko naka-ngiti.

‘Hanep, wagas na ngiti ah’ puna agad ni ‘boyfriend’ ko ng madatnan ko itong naka-sandal sa poste ng gate namin at pinagmamasdan ako.

La man lang hug o kaya kiss?? Wala man lang ba itong ka-keso-keso sa katawan niya?

‘Pumunta ka dito para asarin ako?’ putting my hands on my waist.

‘Puro ka talaga ka-artehan alam mo ba yun?’ bigla niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya, ayun, napasubsob tuloy ako sa dibdib niya. Weh..kill me now..now na! Ang bango niya at miss na miss ko na talaga siya ng sobra. Ilang araw din kaming hindi nagkita at hindi rin siya nag-text sa’kin, kala ko nga mababaliw na ako.

‘Nakaka-asar ka kasi’ palo ko sa dibdib niya. While his hands went to my back to embrace me.

‘Kaka-asar daw, kaka-in love kamo’ I felt him kissed my forehead. He rested his head sa ulo ko.

Alam niyo bang siya lang ang nakakagawa nun..yung nang-aasar tapos sweet pa din. Di ko tuloy mapigilang kiligin.

We stayed at that position for several minutes, walang nagsasalita sa’min. I felt at peace as if wala kaming inaalalang problema. Ganito pala yung sinasabi nilang, basta magkasama kayo, okay na, kahit may problema. Yung presence lang ng isa’t-isa sapat na para mabigyan ka ng lakas na harapin yung mga mahirap na bagay sa buhay.

‘Baka makita tayo ni mama’ I tried to push him pero pinigil niya ko.

‘Eto naman, yakap lang pinagdadamot pa.’ Hinigpitan pa niya yakap sa’kin. ‘Let me hug you for a while, ha? Na-miss kita miss maarte.’

Hehe..ano daw? Na-miss niya ko? Tumbling! Bihira lang magpa-ulan ng sweetness itong si Gino kaya sobrang sayang pakinggan.

‘Besides, tulog na si tita.’

‘Pano mo nalaman?’

‘Sabi niya sa’kin, matutulog na daw siya bago kita tinawagan’

‘Nag-usap kayo?’

‘Kanina bago kita tinawagan’

Natuwa naman daw ako ng malaman yun, siyempre importante sa’kin na okay kay mama yung lahat pagdating sa’min ni Gino.

‘Kumusta ka?’ he asked while holding my face in his hands. He was looking into my eyes, para bang gusto niyang makita doon ang tunay na nararamdaman ko. Am I hurt? Disappointed sa mga nangyayari?

Nakatitig lang din ako sa mga mata niya, gusto ko ding malaman kung kumusta na siya. Anong nararamdaman niya ngayon, nagsisisi ba siya?

‘Matutunaw ako pag hindi ka nag-salita’

Huh? I frowned.

‘Nakatulala ka na naman sa mukha ko. Alam ko na nga na patay na patay ka sa gandang lalake ko di ba?’

Marahan ko siyang sinampal ng pumasok na sa isip ko yung mga sinasabi niya. ‘Kapal ng mukha.’ tumalikod na lang ako para itago ang aking pagkapahiya.

‘Seriously..’ kinabig niya ako uli palapit sa kaniya. Ang aking likod nakasandal sa dibdib niya habang yung mga kamay niya na hawak ko pa rin ay naka-yakap sa tiyan ko. ‘How are you nga?’

‘Good I guess..’ ngumiti ako pero it was a smile that didn’t reached my eyes. An daming gumu-gulo sa isip ko tungkol sa’ming dalawa ni Gino.

‘Sorry sa nangyari last time’ he kissed my hair

‘Ba’t ganun mommy mo? Ayaw ba niya sa’kin?’ Big deal talaga sa’kin na magustuhan ako ng mommy niya. Gino loves her mom so much at kung meron na ayaw kong makalaban sa pagmamahal kay Gino yung mommy niya. ‘Galit ba siya sa’kin? What did I do? Last time na magkita kami okay naman di ba? She was pleasant.’

‘Sorry na, pag pasensiyahan mo na si mommy’ He took a deep breath ‘She was mad because I broke up with Carol.’

‘Ha?’ I looked at him.

‘Oo, gustong-gusto niya kasing magkatuluyan kami ni Carol. Carol is her best-friend’s daughter..but you know I don’t love Carol, di ba?’

Hinarap ko si Gino ‘Do you know Carol is cheating on you?’

He nodded..’it’s not actually cheating, I know her relationship with her boyfriend ever since, matagal na niya yung boyfriend.’

‘Then why?’ ang gulo talaga. Alam naman pala niya, di sabihin na lang nila sa mga mommy nila na hindi naman nila mahal ang isa’t-isa, tapos!

‘I know what you’re thinking, we tried that before pero every time na we say it ganyan ang nangyayari sa mga mommy naman.’

‘Di kaya ina-artehan lang kayo ng mommy niyo? Hindi naman sa..-‘

‘Yun nga pero, nakakatakot pa din, pano kung totoo nga? After what happened to my brother, ayaw kong nadi-disappoint ko siya.’

Hindi ko na din alam..I turned my back on him, sumandal uli ako sa dibdib niya. I don’t know what to say. Hayy… :(

‘But I told her about you..that you were the girl I told her about 4 years ago.’

‘Four years ago?’ napalingon ako sa kaniya. Eh di ba’t lately lang kami naging close ni Gino kahit na nga nung high school pa eh nagkikita na kami?

‘Masyado ka kasing ma-arte nun, ayaw-ayaw pang magpaligaw. Tsk, ka-artehan!’ he pulled my hair. ‘Ayan naunahan ka tuloy ni Carol.’

Nag-isip ako..nag-isip ng mabuti. Ibig ba niyang sabihin nung high school pa? But that’s like..4 yrs ago nga Marga! I mean, 4th yr high school pa kami nun ah?

‘Tsk..ang slow talaga’ kurot niya sa ilong ko.’Wag mo na ngang isipin yun baka abutin pa tayo ng 10 years dito kaka-isip basta ang importante if I have waited this long for sure I am willing to fight for you.’ at humalik daw sa pisngi ko?

‘Gino!’ kunyari violent-reaction with matching pandidilat ng mata, dalagang Filipina kaya ako. Di puwede yung mga nakaw-halik na yan.

‘Um-arte na naman’ then I heard him laugh. ‘Wait, I want to show you something’ kinuha ang phone sa bulsa ‘Hold this’ inabot sa kaniya.

I’m like..what are you doing??

Tapos plinay yung… Teach Me How To Dougie sa phone niya..then he started dancing.. ganito oh

And I’m like this

Sobrang kini-kilig. Di ba he said ang corny lang ng mga artista - artista na yan tapos here he goes dougie-ing like my fave Elmo.

‘Done!’ agad-agad? Di pa nga naka-abot sa chorus.

‘Isa pa..’ pilit ko sa kaniya.

‘Enough na’ mukhang nahiya ang loko. Meron pala siya nun.

Pilit na kinuha ang phone sa kamay ko at dahil ayaw kong ibigay, inagaw talaga sa’kin.

‘Please..please..’

‘You’re laughing…’

‘No..’ promise di talaga. Sobrang saya lang kasi I know he learned it for me.

‘Sige na tulog ka na’ inis na sabi nito habang inaayos ang damit na nagulo sa pag-sayaw.

At pinapatulog na ko?

‘Gino..!’ tinawag ko siya, mukhang napikon kasi sa’kin.

‘Uwi na nga ako’ fixing his cap.

‘Uy..’ hinila ko siya at yinakap. ‘Hug na nga di ba?’

‘Thank you talaga’ seryosong sabi ko.

‘I’m really gonna hit that Elmo Magalona once I saw him’

‘Haha.. baliw! Ikaw na nga Elmo Magalona ko di ba?’ I assured him while in a tight hug with him. ‘Puwedeng rap naman next time?’ humirit daw.

‘Asa!’ ayan nag-suplado na naman tuloy.

(CTTO of the gif and photos I used)

  1. juliemags posted this