Hinanap ko agad yung room ni Gino.
Lord please, sana wala pong masamang nangyari kay Gino. Sana po hindi ganun ka-grabe, sana po okay lang siya, sana po..
Huminto muna ako sandali sa harap ng kuwarto ni Gino at nag-sign of the cross. Please..please..sana okay lang siya.
Kumatok ako, mahina lang. Pero walang nagbukas. Dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto.
Halos hindi ako makahinga ng makita ko si Gino..yes, si Gino ngayon, suot pa rin niya yung damit na suot niya ng makita ko siya sa cafeteria. Nakahiga ito, nakatalikod sa kaniya.
Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala namang nakasaksak na kung ano-ano sa kaniya.
Thank God..baka hindi naman gaano siyang nasaktan, baka may gasgas lang siya sa mukha o sa kamay o..
Napansin ko din may isa pang bed at may nakahiga din dun..it’s his mom. Malamang nakatulog habang nagbabantay kay Gino.
Tsk, pasaway talaga itong si Gino. Ba’t ba niya kasi ginawa yun?
‘Gino..’ I said softly, kinuha ko ang upuan sa ilalim ng bed ni Gino at naupo dun. ‘Gino..’ hinawakan ko siya sa braso.
‘Hmmmm..’ humarap ito sa kaniya. At mukhang nagulat ito ng makita siya
‘Gino, are you okay?’ hawak ko sa noo niya, patuloy ko pa rin siyang pinagmamasdan, hinaplos ko ang mukha niya. ‘What happened? Nasaktan ka ba?’ Inisa-isa ko yung buong mukha niya, mata, ilong, tenga, bibig, baba, leeg..okay naman lahat. ‘Ba’t mo ba ginawa yun?’
‘Ha?’ yun lang ang naririnig ko kay Gino. Siguro nag ha-hallucinate siya, baka hindi niya ko nakikilala dahil sa aksidente.
‘Gino, ano ka ba?’ naiiyak na ko..nakalimutan kaya niya ko? Nagka-amnesia siya? Lord, please wag naman sana. Ngayon pa ba? Ngayon pa na sasabihin ko na..
‘What are you doing here?’ lumayo pa siya sa’kin
‘Gino?!’ yinakap ko siya ng mahigpit, yung mahigpit na mahigpit para maramdaman niya na ako ito, si Marga..yung ka MU niya? LOL..ano ba, basta yun!
‘Gino, please, it’s me Marga..di mo ba ko naalala?’ tapos hinalik-halikan ko pa siya sa mukha at tiningnan siya uli..hindi pa din nagbabago yung reaction niya, parang nagtataka pa din siya. ‘Gino, it’s me,ako ito si Marga, don’t you remember?’
Hindi siya umimik, naka-kunot lang ang noo sa’kin, malamang ini-isip talaga niya kung sino ako.
‘Gino, ako ito’ hinawakan ko ang mukha niya at madiing hinalikan siya sa labi, it was a short kiss gusto ko lang talagang maalala niya na I am someone special to him pagkatapos nun ay agad ko siyang yinakap ‘Sorry na, sorry hindi ako nakinig sa’yo kahapon, sorry ngayon ko lang sinabi to sa’yo, sorry na talaga basta bumalik lang yung alaala mo, maging okay ka na uli, gagawin ko ang lahat promise.’
Pag tingin ko sa mukha niya, ganun pa din, wala pa ding reaction nakatingin lang siya sa’kin.
‘Gino ano ba?!’ nakaka-inis talaga, ayan umiiyak na tuloy ako. Agad kong pinunasan ang mata ko.
‘Hey…don’t cry’
Natigilan ako ng magsalita siya at maramdaman ang paghawak niya sa mukha ko.
‘Do you remember me now?’
‘Of course I do’ umupo ito ng maayos at yinakap siya.
‘Talaga?’
‘Oo nga, makulit!’ I felt his kiss on my forehead. ‘Ba’t ba nagkakaganyan ka? umiiyak-iyak ka pa’
‘Natakot kasi ako, akala ko nakalimutan mo na ako, hindi ka man lang nagre-react sa mga sinasabi ko’
‘Why would I forget you?’ he asked looking at me, yung mga malulungkot niyang mata na pilit na ngumi-ngiti.
‘Sorry..sorry talaga’ I know I’m the reason why those eyes are sad.
‘Sorry kasi you know you’re stubborn? That you don’t listen to me?’
‘Yeah..’ I admitted kahit nakakahiya man ang pagiging ma-arte ko.
‘Tsk..hay naku, I told you di ba? I’m gonna keep my promise, you believe me now?’
I nodded at him.
‘So hindi ka na makikipag harutan dun kay Sam?’
Pinalo ko siya sa dibdib ‘Hindi kaya ako nakikipag harutan dun kay Sam’ kinuha niya ang kamay ko at yinakap akong muli.
‘O sige na, sabihin mo na sa’kin yung four letter ‘L’ word..’
‘Ha?’
‘Bilis na..sabihin mo na’
‘Ah..eh..’ napakamot ako sa ulo ‘Ba’t ako?’ ako talaga? Di ba dapat siya mag-sabi nun.
‘Oo ikaw, ako lagi kong pinaparamdam yun sa’yo ikaw hindi?’
‘Anong pinaparamdam eh puro panlalait yang nakukuha ko sa’yo eh’
‘Tsk, wag ng maarte dali na sige ka pag nagbago ang isip ko babalikan ko si Carol’
Ala…ang yabang talaga. ‘Puro ka talaga kayabangan alam mo ba yun?’tinulak ko siya.
‘Uy, mahuhulog ako..’
‘Ay sori..’ hinawakan ko kamay niya ‘Kulit mo kasi’
‘So, what now?’
‘Anong so?’
‘So, what are we now?’
Eeeeh..kakahiya kaya, sabay ipit ko ng buhok sa tenga ko..hehe.
‘Ano, dali na?’
‘Ganun-ganun lang? Wala man lang bang..’ kakainis naman kasi, hindi na nga romatinc, demanding pa. ‘Ikaw kaya dapat mag-sabi nun..’
‘Ikaw na..’
‘Ikaw!’
‘Hay naku, forget it..basta yun na yun!’
‘Pero Gino..you have to say it..’
‘Ikaw nga diyan ayaw mo eh..’
‘Sige, uwi na ko..’
‘Okay fine since ako naman ang guy.’ natatawa ko sa pagseryoso ni Gino ‘Marga, I..I
‘Yes Gino?’ tumi-twinkle pa daw yung mga mata ko. Ma-arte talaga ko, ano pake niyo?!
He took a deep breath ‘Kahit na birdbrain ka pa, 512 lang ang memory mo at napaka-stubborn mo, mahal na mahal kita.’ may pahabol pang smack sa lips.
Say?? Inggit kayo noh? Haba ng hair ko…At ako naman, milyones na katuwaan ang nadarama ko ngayon. Basta, yun na yun, I can’t explain, super hapiness talaga.
‘Kailangan talaga may halong panlalait no?’
‘Ano ka ba, that’s not panlalait..unconditional love yun..despite of..much more pag nag-improve ka that’s what I meant..’ at yinakap ako ng pagkahigpit ni Gino my love.
‘Thank you’ Nakita kong gumalaw yung mom niya sa kabilang bed.’Gino..yung mom mo, gising na ata’ umayos ako ng upo, kakahiya naman kay future mommy kung makita niyang nagyayakapan kami dito ni Gino.
‘Ha? Okay, okay..’ dali-dali itong bumaba sa bed at lumapit sa mom niya.
Eh bakit parang si Gino pa yung aligaga sa mom niya? Hindi ba’t siya ang nasa hospital ngayon, siya yung may sakit? Kahit na sa tingin ko eh wala naman ngang sakit si Gino.
‘What happened to you ba?’
‘Nothing’
‘Nothing? Eh sabi ni Carol..-
‘Carol called you?’
‘Yeah…she told me you’re here kaya pumunta agad ako dito. What happened, na-aksidente ka ba?’
‘No!’
‘Ha? eh..ba’t andito ka? Tapos pagdating ko nakahiga ka? Tapos yung itsura mo kanina parang di mo ko maalala’
‘Hindi ako na aksidente. Sino ba nagsabi sa’yo niyan?’
Ah…oo nga naman, wala naman nagsabing na-aksidente si Gino ah. Ang sabi ni Carol nasa hospital si Gino.
‘I hurriedly went here cause I got a call from our house na sinugod daw si mama dito..si mama ang na-hospital hindi ako! I’m just looking after her cause wala pa si papa. Did Carol said that?’
‘No..no..’ hindi naman nga talaga sinabi ni Carol na na aksidente siya, in-assume ko lang na na-aksidente siya kasi sabi ni Carol nasa hospital daw si Gino.
Pakiramdam niya nanliit siya kinauupuan niya. Hay..sandamakmak na katangahan ka talaga Marga!
‘Mom, how are you feeling?’ Gino asked her mom.
‘Don’t touch me’
Nagulat ako sa reaction na yung ng mama ni Gino. Why is she acting that way?
Bumaling ito sa kabilang side ng pagkakahiga, naka-harap sa’kin.
‘He -’ babatiin ko siya
‘Get out!’ sigaw nito.
Ala..nataranta ako.
‘I don’t want to see you and that girl..get out, leave me alone’
‘Mom..please calm down..please’
Bakit ganun? What’s happening? What’s wrong? Why is she acting that way?
Hindi ako makakilos sa kinau-upuan ako sa pagka-gulat sa aking nakita. Is she mad at me? How can that be? Pangalawang pagkikita pa lang namin? She was nice when we first met.
‘I said go..get out’
‘Marga..’ Gino turned to me..I know kahit hindi niya sabihin, he wanted to me go out and leave them.
Tumango na lang ako, kinuha ang aking gamit and silently went out without looking at them.
And again..it hurts! Sobrang pagkapahiya ang nakuha ko dun.
-
saakinkalangiloveyou liked this
-
superelikemo liked this
-
brownlikewoodfilipinobyblood liked this
-
wazakakosiyakami liked this
-
iheartsnsdsh liked this
-
superflorence liked this
-
charmainesrandomworld liked this
-
celinejazmin liked this
-
spreadthelove123 liked this
-
hiedeemaldita liked this
-
chaching-chaching liked this
-
eggmanshow liked this
-
julielmodabest liked this
-
kpgdelapaz liked this
-
rowieanne liked this
-
alwaysyoursecondbest liked this
-
funsizehippo liked this
-
juliemags posted this