Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Thirty-Five

‘O, napano ka?’ tanong ni mama sa’kin pagdating ko sa kitchen.

‘Wala po’ iwas ko. Tahimik lang akong kumain at laging naka-yuko. Kasi, namamaga yung mata ko, sinuot ko nga yung eyeglass ko na bihira kong gamitin para hindi masyadong halata ang pamamaga. Ayaw ko namang mag-suot ng shades, agaw pansin sa school.

‘Sumusumpong na naman ba mata mo?’ Far-sighted kasi ako.

’..medyo po..’ ok, I know..nag-sinungaling na naman ako, napapadalas na ata ito.

Sabay-sabay na kaming magkakapatid na lumabas ng bahay para mag-abang ng taxi papuntang school.

Kinabahan ako ng makita ko ang nakaparadang kotse sa harap ng bahay namin. That’s his car.

Ano na naman kayang ginagawa ng taong yan dito? Ang aga-aga. Wala ba siyang pasok?

Inalis ko agad ang tingin sa kotse ng tumunog ang alarm nito at lumapit si Gino, tumayo ito sa tapat ng kotse niya tumanaw sa’min.

He’s wearing the same shirt he wore last night, at yung balbas niya tumutubo na. Di ba siya umuwi? San siya natulog?

I know I sounded concerned na hindi dapat. I should be mad..really mad at him. Haist…at biglang naputol ang aking malalim na paghinga sa aking narinig..

‘Mag-bati na kasi kayo nung boyfriend mo’

Huh? Napalingon ako sa nag-salita..si Mel pala yung madalas tumambay dun sa convenience store sa unahan ng bahay. Di ko siya pinansin.

‘Di ka ba naawa dun sa boyfriend mo? Kanina pa yang madaling araw dito’

‘Ako ba kinakausap mo?’ kaloka chismoso.

‘Ah..hindi, yung kapatid mong grade 2..’

Pilosopo ah!

‘Malamang hindi ikaw..’ dagdag pa ni Mel saka iniwan sila.

Labo..buti na lang may huminto ng taxi sa tapat namin. And off we go to school..

Papasok na ko sa room ng makita ko na naman siya, naka-upo sa may bench sa harap ng room, pinagmamasdan ako. Ang bilis naman niya.

Nakakakilabot naman ito si Gino, para siyang yung mga stalker sa mga horror movie. Hindi ko pa din siya pinansin..may quiz ako ngayon di ba? At dahil wala ngang nangyari sa pagre-review ko daw kagabi..good luck to myself. Buti na lang nakaraos din, wag niyo na akong tanungin kung ilan score ko.

‘Psssttt..’ may humila sa buhok ko.

‘Aray naman..’ reklamo ko nung makitang si Chy pala ito. Pagkatapos ng nakaka-stressdrilon na quiz, na-drain yung 512 kung utak kaya eto ako ngayon sa cafeteria.

‘Anong problema nung stalker mo?’

‘Stalker?’ I mean, I know I’m beeeeaaautifuuul, pero d nmn ako artista para i-stalk.

‘Ayun oh’ nguso ni Chy.

Bigla kong binawi ang tingin ko ng makitang si Gino pala yung tinutukoy ni Chy. Patinging-tingin sa’min habang may hawak na softdrinks.

Wala ba siyang pasok?

‘Uy, may ike-kuwento ako sa’yo…’

Mukhang excited ang aking kaibigan ah..ano kayang chismis ang dala nito?

‘Sige..sige..go..’ excited kung sabi dahil ako ay isang echoserang frog din..

‘Kaloka, alam mo ba may pinapanood akong koreanobela..’

‘Sus’ hampas ka ko kay Chy ‘akala ko naman kung ano..ka-ek-ekan mo na naman pala.’

‘Makinig ka nga kasi..’

‘Hay naku, tigilan mo ko..’ kinuha ko na lang ang notebook ko para mag-review daw ng lessons.

‘Promise maganda to..kaka-kilig, mas kilig pa sa JuliElmo mo’

‘Sige na..sige na, simulan mo na’ di naman papa-awat kahit sabihin ko pang ayaw kung makinig, mag-kukuwento pa rin naman siya.

‘Ganito yun..may isang di kagandahang babae at poging lalake..’

‘Di bagay..’

‘Nega agad?’

‘Di sila maganda at pogi’

‘Ay naku, makinig ka lang kasi. Itong si di kagandahang babae at si pogi may pagtingin sa isa’t-isa..kaso ngayon di sila nagpapansinan, kasi may hindi magandang nangyari sa kanila noon…-‘

The usual love story.. I thought.

’..pero ngayon itong si pogi, nakiki-usap na kay di kagandahang babae kasi you know, mahal naman talaga niya itong si di kagandahang babae kaso ang arte nitong girl beh, di kagandahan na nga uma-arte pa, may pa-emote-emote pa kay pogi..’

‘Eh gusto niyang um-emote eh, malay mo ba kung grabe yung kasalanan sa kaniya nung lalake na yun. Alam mo na ang mga lalaki ngayon walang mga puso, sarili lang ang ini-isip..’ ayan na ha-highblood tuloy ako.

‘Ah, wait lang, wait lang’ pigil sa’kin ni Chy. ‘Di pa tapos yung kuwento ko..so eto nga..eh yun pala kaya pala ganun yung ginawa ni pogi kasi may valid reason naman pala na hindi alam ni di kagandahang babae..siyempre alam mo na, there’s always a reason for everything..’

‘Palusot kamo, sinungaling talaga yang mga lalaking yan!’

‘Ano ba! makinig ka nga sa’kin kasi, ba’t ba sagot ka ng sagot, ikaw ba yung di kagandahang babae?’

‘Ah..hindi, maganda ko di ba?’

‘Loka-loka!’ marahang akong sinabunutan ni Chy

‘Tss..’ kinabig ko ang kamay niya at nasisira ang buhok ko.

‘Going back to my kuwento..so ayun, ngayon malungkot silang parehas, pero na-fo-foreseen ko na yung future mo eh..-‘

‘Ha? future ko?’

‘Ay hindi, I mean nitong is di kagandahang babae na pag nagkausap lang sila ni pogi, makinig lang siya kay pogi ay naku talaga pre..da best, sila na talaga! Kaya kung ako yung di kagandahang babae..hay naku, sunggab na agad dun sa pogi, wag na kasing masyadong ma-arte..’ with empasized dun sa ma-arte.

‘Bakit parang pinagduduldulan mo yang kuwento mo sa mukha ko?’

‘Wala, ganito naman talaga ko mag-kuwento di ba? I mean, nakakapanggigil lang kasi yung mga babaeng ganun, mahal naman yung tao andami ka artehan sa buhay tapos pag gabi, iiyak-iyak..papasok sa school maga ang mata tapos magpapaka-emo sa cafeteria, tapos..

‘CHY!’ I shouted at her..sinasabi ko na nga ba…langya talaga tong kaibigan kong to.

‘Ano?’ siya naman ngayon ang kumuha ng notebook at umiwas sa init ng ulo ni Marga.

‘Ako ba pinagloloko mo? Sinabi mong di kagandahang babae, tapos ako pala tinutukoy mo…bruha ka!’ sinabunutan ang kaibigan.

‘Marga..Marga..’ iwas ni Chy sa mga kamay ko ‘..wait lang kasi’

‘Anong wait ka diyan….dinaan mo pa ko sa kuwento ng koreanobela mo ah, tapos ako lang naman pala yun, di mo pa ko diniretso..’

‘Eh..teka lang nga..’ natatawang umiiwas sa mga kamay ko si Chy.Hindi ko pa sana siya titigilan ng nagmamadaling dumaan sa tapat namin si Gino, tumatakbo ito.

Natigilan kami ni Chy at sinundan ng tingin ang nagmamadaling umalis na si Gino.

‘Ayan tuloy..umalis na si pogi. Tsk, sayang moment mo na sana yun sis para kausapin siya.’

‘Huh..eh bakit ko naman siya kaka-usapin?’

‘Hay naku..Marga..Marga..Marga..’ umiiling-iling na sabi ni Chy. ‘Kung gusto mong maging masaya yang lovelife mo wag kang masyadong maarte ah, mag-usap kayo, pakinggan mo siya then yun, kiss na!’

‘So, ganun lang kadali yun?!’

‘Ay naku, yan nga kasi masyado kang maarte, di mo ba nakikita parehas niyo lang pinahihirapan ang isa’t-isa’

‘Sino ba kakampi mo dito?’

‘Siyempre ikaw..kaya sinasabi ko to kasi alam ko siya ang kaligayahan mo.’

‘Maiz..’

‘O siya, shut up na ko, pero wag kang iiyak-iyak diyan ah saka wag kang maglalaslas..’

‘Ganun, may paglaslas dahil lang sa kaniya? Ikaw kaya laslasin ko diyan, pakialamera ka talaga..’

‘So ayaw mo?’

‘Tsk’ pero ang totoo iniisip ko yung sinabi ni Chy, kaso di naman talaga ganun kadali. So pano ko siya kakausapin? Ako lalapit kay Gino, ganun?

‘Uy’ siniko ako ni Chy ‘Yung telepono mo’

‘Ha?’ kinuha ko agad celfone sa bag. Number lang nasa screen, alam kong hindi yun si Gino, kahit binura ko number niya, kabisado ko naman. :) ‘Kilala mo ba tong number na to?’ turo ko kay Chy. Di ako sumasagot sa unknown caller ‘Sino kaya to?’

‘Try mong sagutin para malaman mo.’

‘Hello?’

‘Marga, this is Carol’

‘Uy..Carol’ I’m surprised she called me..paano kaya niya nakuha number ko?

‘I need to talk to you..’ she was speaking fast at humihingal pa.

‘Ah sure, bakit?’

‘May problema..’

Ah ano naman kayang kinalaman ko sa problema niya? Malamang nalaman na ni Gino yung tungkol sa jowa niya? Kaya ba nagmamadaling umalis si Gino kanina? O siguro kakausapin ako ni Carol na makikipagbalikan siya kay Gino.

‘Okay..’ I said calmly as if wala akong pakialam.

‘Gino is in the hospital right now!’

‘Huh?!!’ I mean..di ba kagagaling lang ni Gino dito? Pano..pano nangyari yun? Did he had an accident kasi nagmamadali siya? kinakabahan ako, natatakot..hindi pa nga kami nagkaka-usap. ‘Where? What hospital?’ tumayo na agad ako at kinuha ang mga gamit ko.

‘Sa Sent Looks pero..’

‘Okay..I’ll be there!’

‘Wait..Marga..’

‘On the way na ko..’ call end agad

‘Chy, si Gino nasa hospital daw..’ kinakabahan ako habang nagku-kuwento kay Chy.

‘Ha? Bakit? Pano..?’

‘I need to see him..a-absent na muna ako’ naglakad na ko palabas ng school, naka-sunod si Chy sa’kin.

‘Samahan na kita’

‘Wag na, kaya ko to..’

‘Sure ka?’

‘Yup, tawagan kita in case na magka-problema ako dun.’

  1. juliemags posted this