Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Thirty-Two

It’s break time..hay salamat..kaka-stress yung English class, book report ng book report!

Asan na kaya yung mga bruha kong kaibigan? looking around the cafeteria while waiting for my turn sa cashier.

‘Marga..’ liningon ko yung pinanggalingan ng boses. Oh si Samie, thank God, hindi ako mag-isa sa table.

I motioned ‘wait lang’ dahil nakapila pa rin ako sa cashier. I was very excited to have chitchat with Samie, on the way na ko sa table niya ng bigla akong mapahinto when I saw yung iba pang tao sa table.

Bakit ba hindi ko nakita na andun siya? Too late to back out, on the way na ko, mao-obvious lang kapag lumihis pa ko.

I know said I’m moving on, pero ka-plastikan namang sabihin na okay na ko. Ilang linggo pa lang ang nakakaraan and I could say I’m successful on the forgetting him part pero kapag nakikita ko siya, naalala mo yung mga nangyari..di ba ang hirap? Pero mabuti na rin ito..baka pag madalas ko siyang makita, ma-immune ako then masasanay na lang ako sa kaniya as if he’s just like anybody else.

I forced a smile para naman hindi halata na kumakabog-kabog na naman yung puso ko at sana lang makisama yung kamay ko na wag manginginig habang dala ang tray.

‘Hey guys’ I greeted them warmly, tenga sa tenga ang ngiti without looking at Gino. Chin up, wag papahalata na nasaktan ka..smile lagi.

‘Parang may kakaiba sa’yo Marga today..ah..something different with the aura?’

Muntik na kong mabulunan dun..kinuha ko agad yung softdrinks at uminom.Eto talagang si Samie, nanahimik nga eh. Ayaw na ayaw ko pa naman na center of attention ako.

I can see Gino smirking, hindi siya nag-salita instead kinuha ang fone sa bulsa niya.  Dedmatology?

‘Asus..wala ah..’ I mean, I know I feel lighter, good mood, nakapag-lustay na nga di ba?

‘Ows..come on, out with it!’ kulit ni Sam while wiping my cheeks with the tissue on his hand.

’..guys..’ hay salamat dumating na si Chy. ‘Uy ano yan?’ reaction nito sa nakitang pagpunas ni Sam sa pisngi ko.

Kainis talaga to si Chy bigyan daw ng kahulugan yung ginawa ni Sam. Well, for once kahit hindi ko sabihin kay Chy alam niya nangyayari sa’kin, kaya malamang rume-resbak ito kay Gino.

‘Uy ikaw Sam ah, umamin ka nga..’ sabi ni Chy habang paupo sa tabi ni Gino since magkakaharap kami at si Gino lang ang walang katabi. ‘liniligawan mo ba si besfriend?’

Babatukan ko talaga itong si Chy, ano ba siya? Ilagay daw ba sa’kin ang spotlight.

‘It’s up to her’ at may paghawak sa kamay ko talaga. Is he serious? Eh di ba alam naman niya nga na may ibang tao pa sa puso ko. Kaloka itong si Sam, ba’t gumaganun siya?

‘Guys I need to go’ tumayo na si Gino ‘Carol is waiting for me outside’

Eh di good, di ba? Magkikita sila ng malanding jowa niya. Tapos sigurado, magki-kiss sila tapos magya-yakapan pag nagkita. Oh di sila na..

‘Okay dude…regards na lang kay Carol’ nag-highfive ang dalawa.

‘Sige, Gino..ingat!’ bilin naman ni Chy.

So anong sasabihin ko? Alangan namang no reaction ako, eh tatlo lang kami.

I simply nodded and smile at him..I hope he didn’t notice how lame my smile was. 

And he started to walk away, papunta kay Carol niya. Hayyy…so much for moving on. :(

And so my life continued…I attend our Trigo class na, hindi naman kasi puwedeng forever hindi ako pumasok sa subject na yun di ba? Kahit na classmate ko pa si Gino at kahit na magkatabi lang kami sa upuan.

And so it was another booorriiinggg..Trigo class, with Gino sitting beside me.

’..the angles in theoretical work will be in radian measure. Thus if we are given…’

Hay..this class is so boring talaga, I wonder kung pano nakaka-survive ang mga classmates ko with this subject. Looking around at my classmates, isa-isa ko silang tinitingnan kung anong ginagawa nila at ewan ko ba kung pano nahinto ang tingin ko kay Gino..siguro because I wanted to see kung anong ginagawa niya para hindi siya ma-bore. May hawak itong ballpen at nakatingin sa notebook niya.

Attentive ah..

Nag-angat ito ng tingin para tumingin kay Miss pero tumingin muna siya sa’kin.

Pinigil ko ang aking paghinga ng magtama ang mga tingin namin. I can hear my heartbeat..it’s so loud. I don’t know..hindi ko talaga alam kung anong ini-isip niya while we look at each other..

’..class..’

Ako na ang unang bumitaw ng marinig ko ang boses ni Miss, and took a deep breath. Hindi ko alam kung nakatingin pa din siya sa’kin but I composed myself at pinilit na mag-concentrate sa klase.

Kringgggggggggg….time na.

Hay salamat, pakiramdam ko parusa talaga ang Trigo class hindi lang dahil sa ang hirap unawain ang mga equation dumagdag na sa pagkainis ko dito ang pagiging classmate namin ni Gino.

‘….yeah’

I can hear Gino habang liniligpit ko yung mga gamit ko, may kausap siya sa phone.

‘Okay, I’ll see you then. Take care Carol’

Tsk..gusto kong pasubugin yung cell site ng Globe at the moment para maputol yung usapan nila. Nakaka-inis how he said ‘take care’, alam mo yung marinig mong mag-care siya sa iba? Kinurot na naman yung puso ko.

So magkikita na naman pala sila mamaya? Eh di sila na ang mag-jowang madalas magkita. Kung sabihin ko kaya sa kaniyang kumekerengkeng yung jowa niya? Ba’t di ko ba naisip ito..baka mahal na mahal talaga niya si Carol at alam na niya na may jowa ito pero hindi pa rin niya hinihiwalayan..so much for trying to fix his life di ba?

At least, nakapag-move on na ako at di tuluyang umasa na aayusin nga niya ang buhay niya para sa’kin.

‘Margarita!’

Si Chy, kung maka-Margarita naman ito, wagas.

‘Wait..’ pa-demure kung sabi. Hinintay kong tuluyang maka-labas si Gino.

‘May pinapa-abot sa’yo si Sam’ may kung ano ngang naka-tago sa likod nito.

‘Ano bang pinagsasabi mo diyan?’ sabi ko sa kaniya ng makaharap ko siya.

‘Kayo ah..di pa kayo umaamin..’ panunukso nito.

‘What the hell are you talking about? Ibigay mo na kung ano man yang pinabibigay niya.’ lahad ko ng kamay ‘Saka ba’t ba niya pina-abot pa sa’yo? Puwede naman niyang ibigay ng direkta sa’kin di ba?’

‘Close your eyes muna’

May ganun pa talaga? Tss!

‘Dali na!’

‘Kailangan talagang pumikit pa?’

‘Oo nga, surprise nga di ba?’

‘Ay sus naman kasi’

‘Bilisan mo naaa!’

‘Oo nga eto na oh..pipikit na’ pumikit na nga ako.

’S****!’

Agad akong napamulat at nagulat ang nakitang nagkalat na pizza sa sahig.

‘Sorry..sorry..’ nagmamadaling sabi ni Gino ‘Ba’t ba kasi nasa gitna kayo ng corridor??’

‘Naman Gino, bulag ka ba? Eh kung nasa gitna kami eh di ikaw yung tumabi!’ sagot ni Chy.

‘So ako pa yung mali ngayon?’

‘Eh sino pala? Alangan naming kami ni Marga’

Tumingin sa’kin si Gino at the mention of my name but I was busy looking at them both, ano bang nangyari?

Yung pizza ba yung ibibigay sa’kin ni Sam? Pano natapon?

’..ikaw tong dumadaan, kalawak-lawak ng corridor tumapat ka sa’min..’ Chy was reasoning while picking the scattered pizza. At ako hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ako. It was the first time after several weeks I heard Gino talked that long. It was some kinda weird hearing him magsuplado uli. Nakaka-miss din pala ang pagsu-suplado ng taong ito.

‘Hindi ako tumapat sainyo..’

‘You did it on purpose!’

‘Of course not!’

‘You did!’

‘Did not..and why would I do that on purpose??’

‘Ask yourself!’

‘Tsk, tanggapin niyo na lang kasi na kasalanan niyo, humaharang-harang kayo sa gitna..’

‘Come on Chy, don’t mind him, let’s go na’ I just walked away…pano ba kasi nangyari yun? Saka di pa he’s supposed to meet Carol?

  1. juliemags posted this