Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Thirty

‘Trinaaaa…’ I shouted..yeah, para na akong si Mama sumisigaw umagang-umaga. Ang iingay kasi ng mga kapatid ko sa labas, takbuhan ng takbuhan, an sakit pa naman ng ulo ko.

‘Uy, si ate…’ bungad sa’kin ni Trina ng buksan ang pinto, ngumi-ngiti pa ito ng nakakaloko.

Ano na naman kayang kabaliwan ng kapatid kong to? ‘Please lang Trina, dahan-dahan naman sa pagtatakbo ang ingay-ingay kaya’ I sounded grumpy. Tsk, kainis talaga ang sakit ng ulo ko..gustong-gusto kong i-untog sa dingding ng kuwarto.

‘Ate…ikaw ah!’ di p talaga tumitigil, ano naman kayang kalokohan ang nasa isip niya. ‘Ma, gising na si ate’

I tried to remember kung pano ako naka-uwi..last thing I know is sumuka ako. Oh sheemss..nakakahiya kila KC. Tapos… si Gino! I heard them said Gino’s name, pumunta ba dun si Gino? Hindi ko siya nakita kagabi saka imposible naman atang pumunta yun dun, takot lang nun sa mama niya saka kay Carol. Malamang nung mga oras na yun kasama pa niya si Carol.

‘Marga…’ I heard mom’s voice at yung yabag niya..ala, ayan na si Mama. Lagot..bigla akong napa-takbo sa CR para mag-ayos bago pa man makapasok si mama sa kuwarto ko.

Huwat???! ang reaksiyon ko ng makita ang suot kong shirt. Ah, kanino to? inspecting closely the 3 Stars and a Sun shirt I’m wearing. Parang nakita ko na to ah…pero hindi, imposible talaga yun. Baka sa kapatid ito ni KC, malamang pinalitan nila yung damit ko ng masuka ako kagabi. Di ko mapigilang amuyin ang suot kong shirt..kainis! Pabango to ni Gino ah..alam na alam ko amoy nung taong yun eh, yung amoy malinis at guwapo, na masarap yakapin. Alam mo yung amoy pa lang alam mo na agad yung itsura ng taong gumagamit ng pabango na yun? Ganun yung pabango niya eh. Pero hindi nga kasi..imposible talaga yun.

Ano ba talaga yung nangyari kagabi? Saka pano ako naka-uwi dito? 

‘Anak..’ ay, mukhang hindi galit eh. ‘Kumusta na pakiramdam mo?’

Ngeeks, di galit? Dahan-dahang kong binuksan ang pinto sa CR. ‘Ma, good morning po’ beso kay madir kahit na grumpy pa din.

‘Kumusta, masakit pa ba ulo mo? Nanghihina ka pa rin?’ she was watching me closely.

‘Medyo po..’ bumalik ako sa kama at nagkumot..baka kasi mapansin ni mama yung shirt ko, di yun sa’kin. Malamang umuwi ako kagabing suot ko yun. Humiga ako sa right side, naka-talikod kay mama. Alam mo na, mothers knows best, tingin pa lang sa’kin ni mama alam na niya na may kakaiba sa’kin eh.

‘Anak..’ naramdaman kong umupo si mama sa bed ko.

Wag naman sana siyang mag-sermon ngayon. Baliktad kasi ito si Mama, pag seryoso ang pananalita dun siya nagse-sermon pero pag pasigaw..nagbibiro lang yun. At higit sa lahat na pinaka-away ko pag-seryoso si Mama..tagos sa buto pag nagsalita ito..totoong-totoo kaya mas masakit.  ‘Anong nangyari sa’yo kagabi? Halos di ka na maka-akyat sa kuwarto mo? Sabi ni Gino nag-away daw kayo.’

Ha??? bigla akong napatingin kay mama..at bumalik uli sa dating pagkakahiga ko. Sinabi yun ni Gino?

‘Nag-away ba kayo? Kaya ba naglasing kagabi? Mag-uumaga ng umalis dito yung tao, hinihintay ka niyang magising man lang pero di ka gumising.’

Pumunta dito si Gino? Binantayan niya ko matulog?

‘Buti na lang hinatid ka nung batang yun kahit lasing na lasing ka..sumuka ka pa daw sa kotse niya’

Sa kaniya nga itong suot kung shirt..at bigla ko daw yinakap yung sarili ko? Hehe..baliw talaga.

‘Uy…kinaka-usap kita..di ka umi-imik diyan’ yugyog sa’kin ni mama.

‘Po?’

‘Maupo ka nga’

At dahil ako’y masunurin…naupo nga ako.

‘Oh, anong pinag-awayan niyo ni Gino? Ka-bait nung batang yun ina-away mo’

‘Ma..hindi ko po siya inaway, hindi kami nag-away..’

‘Eh ba’t sinabi niyang nag-away kayo kaya nag-lasing ka’

‘Hindi nga po, napa-inom lang po ako kasi birthday ni KC kagabi, yun lang po yun’ sinungaling talaga ko no?

‘Hay naku..ang anak ko, dalaga na talaga’ lumapit sa’kin si Mama at hinagod ang buhok ko.

‘Tss..’ mama talaga kung ano-ano.

‘Alam mo anak ganyan talaga ang pag may kasintahan na… -‘

Ala..kung ano-ano

’..madalas nagkakatampuhan  pero ang importante inaayos niyo yung problema niyo di ba?’

‘Ah hehe..’ napapakamot ako sa ulo ko ‘Hindi ko nga po boyfriend si Gino’

‘Hay naku anak, alam ko, nasasabi mo yan dahil galit ka sa kaniya..’

‘Hindi ko nga po siya boyfriend!!!!’ sumigaw na ko. Si mama kasi, paulit-ulit, sabi ng hindi.ko.boyfriend.si.Gino!

‘Sinsigawan mo ba ko?’ napa-atras siya.

‘Hindi naman po..sori po..’ agad kong hinawakan ang kamay ni mama.

‘Sigurado ka?’

‘Hindi nga po..sori na po, kasi ang kulit niyo po eh, sabi ko naman kasing hindi ko nga siya boy-

‘O siya, sige na, labhan mo na yang damit ni Gino nakakahiya na dun sa tao, ikaw talaga ka babaeng mo tao naglalasing-lasing ka..’ kinurot ako sa tagiliran

‘Aray ko po..’

’..di ka na nahiya sa nobyo mo. Yung tao ang tinu-tino di ka man lang gumaya..’

For the nth time..hindi ko nga siya nobyo!!!!! napapasigaw na naman ako. Ang kulit talaga..ba’t ba kasi ini-isip niya na boyfriend ko yung unggoy na yun?

Anyway, last na niyang punta dito sa bahay kagabi dahil simula sa araw na ito..bawal ng tumuntungtong sa bahay ko yang Gino na yan..bawal na lahat na may konek sa kaniya.

Sabay tingin sa picture ni Elmo sa bedside table, sa pinto ng cabinet.

‘Sorry na pogi’ at hinalikan pa ‘Sorry na talaga, kailangang alisin muna kita dito sa kuwarto ko kasi may naalala akong unggoy pag nakikita kita.’

Tinago ko na sa drawer ang picture ni Elmo.

‘At ikaw din..hayaan mo, pag nakalimutan ko na yung taong yun..tayo uli..promise’ at hinalikan sa lips ang poster ni Elmo na naka-dikit sa pinto ng cabinet niya.

‘Ate!’ tawag uli ni Trina sa’kin na nagpatigil sa adik mode ko.

‘Bakit?!’ istorbo

‘May naghahanap sa’yo’

‘Sino?’ pag si Gino yan di ko talaga siya haharapin.

‘Friend mo daw’

‘Sino nga!’ kulit..hehe..bait kong ate no?

‘Di ko nga kilala’

‘O siya..siya..’ nagpalit ako ng damit with  matching huling yakap sa suot na shirt..baliw, pano kaya makakalimot kung ganun ginagawa ko.

‘Marga..’ si Samie pala.

‘Hey Sam, good morning’ kinuha ko agad kamay niya. Na-miss ko siya..sa mga panahong down ako, siya agad ang naiisip ko. Ang unfair ko lang no? pag masaya si Gino, pag malungkot si Sam.

‘Kumusta?’ kurot niya sa baba ko.

‘Okay..nag-breakfast ka na?’

‘Kanina pa, tanghali na kaya’

‘Ay oo nga pala’ time check, 11:30. ‘Pano ka nakarating dito sa’min?’

‘Siyempre nag-kotse.’

‘Tange..hehe..di mo naman alam bahay namin eh’

‘Ah, nakarating na ko dito no di ba? May sakit ka daw kagabi?’

‘Ah…lika samahan mo ko kain tayo’ segway..alam kong gusto niya sabihing naglasing ako kagabi pero masyado mabait si Sam para sabihin yun.

‘Ano ba talagang nangyari sa’yo?’

‘Wala..birthday ni KC kagabi kaya happy happy kami.’ so everytime magbi-birthday si KC lagi ko ng maalala na minsan sa buhay ko nagpaka-gaga ako sa isang tao. I looked at Sam, cute talaga ni Sam..ewan ko ba kung bakit wala man lang akong makapa sa puso ko para sa kaniya. Sobrang bait, maalala, thoughtful…

‘Nag-simba ka na?’

‘Hindi pa nga eh..’ ang totoo hindi naman ako madalas mag-simba. Haha..bad!

‘Sabay na tayo, di pa rin ako nagsi-simba.’

‘Eh, ang aga naman..’

‘Maya-maya maliligo ka pa, mag-aayos…kung gusto mo pasyal muna tayo.’

hehe..ano to another date? But come to think of it, mabuti na rin yun para matakpan yung alaala nung kahapon.

‘Mas maganda mag-church around 3pm kesa sa 6pm. Anong oras ka ba nagsisimba?’

Sabi ko nga di naman ako madalas magsimba di ba? Kaya di ko alam ang difference. ‘Kahit anong oras. Ano bang gagawin natin at magsisimba tayo?’

‘Siyempre makikinig sa homily, mananalangin..’

‘Ah…’

‘Baka kasi ngayon na kasama kita eh sagutin na ni Lord yung prayers ko’

‘Haha..baka kamo di sagutin kasi pasaway ako.. Ano ba yang kahilingan mo? Baka ako na lang sumagot..mas maganda di ba?’ kumindat ako sa kaniya. Minsan naman pakiligin ko naman si Samie.

‘Well…’ he started touching my hair ‘I’ve praying for this girl for a while na’

Ehem…parang mabubulunan ako. Kinuha ko agad yung baso na may tubig.

‘Alam ko naman na may ibang laman yung puso niya ngayon’

Hehe..malamang ngang hindi ako yun.

‘Pero pinagdarasal ko na…pag dumating yung oras na magbago yung takbo ng puso niya, sana..maalala niya ako..’

Seryoso talaga siya? Di ko mapigilang mapatingin sa kaniya. He was smiling habang patuloy sa paghawak sa buhok ko, sinu-suklay-suklay ng kamay niya.

’..at para sa kaniya, maghihintay ako, kaya kung maghintay. Sana lang habang hinihintay ko siya hayaan niya akong alagaan siya, cause I worry for her..I don’t want to see her getting hurt or crying…’

Naramdaman ko na lang yung kamay niya nasa mukha ko na.

’..Kasi ako, I will never hurt her. Lago ko siyang patatawanin, papangitiin..okay na muna yun sa’kin.’

Parang may bumurang hangin sa lalamunan ko, di ako maka-galaw, di makapag-salita.

‘Will you let me?’ nakatitig siya sa mga mata ko..it was as if he was really asking me pero di ba kine-kuwento lang niya yung babae daw na hinihintay niya..

‘Sam…’ I said in a soft voice while seeing his face come closer..and closer..and closer..to ki-

‘Ay sus Gino-o!’

Bigla akong napa-pitlag sa boses ni mama. Gino-o daw, di ba dapat ginoo yun?

‘Ma!’

‘Kaibigan mo?’ tingin kay Sam na tumayo agad.

‘Good morning po tita’

‘Hmp..’ ala sumu-suplada ang mama.

‘Ma, si Sam yung friend ko pumunta na siya dito nung isa, remember?’

‘Ah di ko masyadong maalala..pero sige kumain LANG kayo diyan ah..wag masyadong malikot!’

Parang naman kaming mga bata sa bilin ni mama..malamang tinutukoy niya yung muntikan ng mangyari sa’min ni Sam.

  1. juliemags posted this