Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Twenty-Nine

Sorry pero hindi ko na talaga kayang pigilan pa to kahit ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi ako iiyak. Ang totoo naka-ngiti pa akong umaabang ng taxi eh.. I was trying to say to myself…everything is alright. I had fun tonight with him..and that’s all that matters. Makikita ko pa rin siya sa school sa Monday, makakasalubong ko pa din siya sa cafeteria tapos siya uli yung control freak na Gino, yung masungit na Gino, yung Mr.-Know-It-All..hindi yung tahimik, hindi yung oo lang ng oo, hindi yung takot na Gino na nakita ko kanina habang kumakain with his mom and Carol. 

Hinayaan ko na ngang tumulo yung luha ko na kanina ko pa pinipigil..wapakels na kay manong taxi driver, cause I know I might not see anymore, the Gino whom I come to love. Pero di ba sabi ko kaya ko to? Masaya naman ako kanina di ba? Natigilan ako sandali ng tumunog yung fone ko, may nag-text.. (parang si Vice).

From Gino: Sorry. :(

Gustong-gusto kong ibato yung fone ko..buwisit na sorry yan..at may pa-sad face sad face pa siya. As if naman pag nag-sorry siya okay na agad lahat.

Dali-dali kong pinunasan ng tissue ang mukha ko, nag-suklay at inayos ang sarili ng matanaw ko ang bahay nila KC. Good thing talaga I decided to come here, idaan na lang sa party..makakalimutan ko din to.

I forced a smile ng makita ko ang mga kaibigan ko.

‘KC dear happy birthday’ buti na nga lang nakabili ako ng gift pagkatapos naming kumain. Tsk, naalala ko naman yung mokong na yun.

‘O, kala ko may kasamang kang ‘very special guest’ sabi sa’kin ni KC pagkatapos ko siyang yakapin at inabot ang regalo ko sa kaniya.

‘Haha..sira!’ hindi ko na lang sinagot ang sinabi na yun ni KC. ‘Guys!!..’ I shouted when I saw my girl friends..wow..this is life, karaoke, sayawan, inuman, tawanan, kulitan… exactly the right place for me now.

Halos masamid ako ng yayain ako ng Chy na kumanta..at sa lahat pa ng kakantahin..Please Be Careful With my Heart pa..ayos talaga, pati karaoke nanandya.

If you love me like you tell me
Please be careful with my heart
You can take it just don’t break it
Or my words will fall apart

Di ko alam kung pano ko natapos yung first stanza..kahit na parang sasabog na yung dibdib ko

You are my first romance
And I’m willing to take a chance
But till life is through I’ll still be loving you
I will be true to you
Just a promise from you will do
From the very start
Please be careful with my heart

Pero bumigay na din ako..pano kasi..pano ko pa kakantahin yun eh, wazak na wazak na nga puso ko eh. First love ko siya..tapos ganito inabot ko sa kaniya..ang saklap!

My voice started to break..lumapit na sa’kin si Chy.

‘Okay ka lang?’ hinihimas-himas ang likod ko. Eto yung ayaw na ayaw ko eh, yung kinakaawaan ako.

‘Whoaaa…hahaha…okay lang ako mga tol!’ half-crying, half-laughing ‘Ayos tong party ni KC, hanep’ sabay inom pa ng light beer.

‘Marg, are you sure you’re okay?’ lumapit na din si KC.

‘Okay nga..ano ba kayo?’ tinulak ko sila ‘Whoaaa..’ sigaw ko uli sa mic na hawak ko.

Ayan..di ko na tuloy na-awit yung second stanza. Third stanza na..

So I know just how you feel (how I feel), trust my love is real for you (I hope that your love is real)
I’ll be gentle with your heart, I’ll caress it like the morning dew (I’ll caress it like the morning dew)
I’ll be right beside you forever (right beside you forever)
I won’t let our world fall apart (let our world fall apart)
From the very start, I’ll be careful with your heart.


Di ko na talaga kaya, I run to the cr, sat at the toilet bowl and broke down hard. Tinakpan ko na lang yung mukha ko baka marinig ako ng mga bisita ni KC.

‘Marga..’ Chy was rubbing my back. ‘What happened friend?’

I couldn’t answer.

‘Paksyet talaga!’ inis na sinipa ko ang trash can, grabbing a tissue at roughly wiping my tears. ‘Ang tanga ko talaga Chy! Sobra..ako na..haha’ pinilit ko pa ring tumawa ‘Dami naman kasing lalaki pinipilit ko yung sarili ko dun sa taong yun eh’

‘Baliw na talaga ko..alam ko naman na walang patutunguhan ito, sumama-sama pa ko sa kaniya. Oh ngayon, anong napala ko?…’ umiiyak pa din ako ‘Ang sakit talaga Chy eh’ palo ko sa dibdib ko ‘Akala ko pag sumama ako sa kaniya ngayon magiging masaya na ako, yun pala mas masakit, mali pala ako. Sobrang sakit, sagad sa buto, durog na durog na yung puso ko Chy, pagod na pagod na ko..bugbog sarado na yung puso ko..’ singa ‘I just want to forget him’

‘Tahan na friend..’ Chy hugged me.

‘Akala lang niya malakas ako..pero ang totoo, hindi ko na ata kaya pa. Ngumi-ngiti lang ako pero ang totoo yung puso ko wala ng iiiyak pa.’

‘Sshhh..everything’s gonna be alright sis.’ hinihimas pa din niya likod ko ‘Gusto mo bang ihatid na kita?’

‘No!’ I shouted. Ayaw ko pang umuwi, maalala ko lang siya dun.

‘Mukhang kailangan mo ng magpahinga eh.’

Pinilit kong tumayo..kaya lang natumba ako.

‘See that’ sabi ni Chy habang inaalalayan ako.

‘Haha…kaya ko pa to! Ako pa.. atapang a tao si Margarita Santos di ba?’

‘Tss, an dami mo atang na-inom ah’

‘Isang case ang goal ko ngayon’ sabi ko kay Chy habang naglalakad kami pabalik kung asan naka-upo ang grupo.

Kaloka talaga..kaninang hapon lang ang saya-saya ko, ngayon para na kong baliw dito. Haha..para akong yung mga babae sa pelikula, yung nagla-lasing pag may problema..ganun na ganun ako.

Naiinis ako sa mga ganung babaeng nakikita ko sa pelikula, I always thought ang mga ganung babae ay mahina. Dahil kahit ganu pa nila lunurin ang sarili sa alak, hindi nawawala nag problema nila.

Tapos ngayon, ganun din pala ko. Tanga talaga..kinain ko lang ang mga prinsipyo kong baluktot.

Bumalik ako sa kumpulan ng mga kaibigan ko, uminom pa..nakipag-kulitan..pinilit na tumawa.. at least kahit ilang sandali hindi ko siya na-isip, maliban ngayon.

‘Uy’ may sumiko sa’kin kaso di ko makilala kung sino. Bigat na kasi ng ulo ko saka yung mata ka kusa ng pumi-pikit.

‘Tulog na ata si Marga.’ I can still hear them. Ipinatong ko sandali yung ulo ko sa yakap na throw pillow, pikit lang ako sandali, medyo masakit na ulo ko at parang susuka ako.

Ayaw na ayaw kong sumuka. Ang sakit kasi sa lalamunan tapos may after taste pa..ewww saka nakakapanghina. Kaya kahit nasusuka, lulunukin ko na lang, okay lang kahit sumakit pa ulo ko dahil di ko sinuka yung gustong lumabas..basta ayaw ko talagang sumuka.

‘Guyssss…uwi na ko’ kinapa ko muna yung bag ko.

‘Marga, sabay - sabay na tayo’ si Chy ata.

‘Okay fine, basta…- bwraaaah…’

‘Marga…ewwwww ka talaga’ haha..wapakels na kung sino nasukahan ko.

‘Haha..ang aarte nyo naman’ sumuka din pala ako. Sumandal ako sa upuan, nakakapanghina.

‘Bwraaaahhh..’ isa pa

‘Guys..guys.. dali’

‘Huhu…girls, an sakit ng sikmura ko, mga buwisit kayo…’namimilipit na ko sa sofa.

‘Marga, wait lang yung damit mo..’

Pakatapos nun wala na akong narinig..o parang nagbubulungan sila.I didn’t know if I passed out na o sadyang nanahimik sila na parang may dumaan na anghel. Tapos naging maingay na naman uli.

‘Gino..Gino…wait lang..’

Narinig ko yung pangalan ni Gino..pilit kong ginigising yung sarili ko. I wanted to see kung andun nga siya pero ayaw ng bumuka ng eyelids ko eh..

’..dami kasi niyang na-inom Gino..tapos iyak siya ng iyak. Ano bang nangyari kanina?’

‘Guyssss..ano bang pinagsasabi niyo? Wala dito si Gino..hahaha…lasing na talaga kayo..sobra na ang ta ..-

‘Shut up!’

  1. juliemags posted this