Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Twenty-Eight

Loka-loka talaga ako..kinikilig daw ako sa itsura namin ni Gino ngayon. Feeling mag-jowa talagang manonood ng sine. Eto kami ngayon, naka-pila sa harap ng ticket booth, bitibit ko yung snacks namin na binili niya kanina at si Gino kumukuha ng pera sa wallet niya.

Di ko talaga mapigilang ngumiti..eeeh! Kung puwede lang hampasin ko yung nasa unahan namin sa pila kaso baka isipin niya nasisiraan na talaga ako.

‘Bakit?’

Ayun, nahuli na naman niya akong nakatingin sa kaniya.’Ah…’ *ringgg… buti na lang may tumawag sa fone kaya di ko siya kailangang sagutin, agad kong kinuha ang fone sa bag.

‘Bakla, hinahanap ka ni KC.’ sus, si Chy lang pala.

‘Bakit daw?’ binaling ko na lang ang tingin ko sa suot kong sandals para di na ko tumingin sa kaniya.

‘Birthday party niya nga ngayon ano ka ba?’

‘Sabi ko naman sa’yo..-’ natigil ako ng makita kong may sinasabi si Gino sa’kin pero di ko naman maintindihan.

‘Who’s that?’ turo sa phone ko

‘Ha?’

‘Sino kausap mo?’ not that I didn’t understand yung sinabi niya kanina.

‘Si Chy’

‘Bakit daw?’

‘Hinahanap daw ako ni KC’

‘Give it to me’ ayan na naman yang pag-uutos na yan eh.

‘No, it’s okay, kakausapin ko na lang siya’ binalikan ko uli si Chy ‘Eh, Chy alam mo naman na may lakad ako ngayon..’

‘But we’re going inside na’ si Gino uli sumisingit pa.

‘Yeah..yeah’ I hurriedly said. ‘Chy, try ko..-‘

‘Hello’

Namaan..kung maka-agaw kala mo kanya yung phone eh. Kausap si Chy, inakay na ko ni Gino papasok sa sinehan. So nakalimutan ko na agad na inagaw niya yung phone sa’kin dahil yung isip ko andun lang sa kamay ko na hawak niya ngayon.

‘Yes, we’ll go there after the movie. Samahan ko siya’

Eeehh..sasamahan daw niya ko? Hehe..anubeh..bumo-boyfriend peg talaga tong si Gino ngayong araw eh. Gusto ko na namang manghampas..pero wag si Gino lang yung katabi ko ngayon.

Binalik niya sa’kin naka-off na yung phone. Si Gino talaga he always know what to do, kahit saan, kahit anong sitwasyon! Kaya nga di ba kumakabog-kabog yung puso ko sa kaniya?

‘Excuse me..’ paalam ko kay Gino, like 3rd time ko na atang nagpaalam sa kaniya na mag-c-cr ako. Hehe..an lamig kasi sa CR tapos see through pa yung damit ko. Ang fail lang talaga.. ba’t di ko ba yung naisip kanina na lalamigin ako sa loob ng sinehan?

Dahil naiinis na siguro siya na pabalik-balik ako sa CR, tinanong ako nito ng bumalik ako sa upuan.

‘Are you cold?’

Alangan namang mag-deny ako, eh obvious naman nga na linalamig ako.

‘Hehe..sort of’ nahiya pa daw.

‘Give me your hands’ as usual utos na naman, buti na lang laging puma-pabor din naman sa’kin ang mga utos ni Gino pero..

‘Bakit?’

‘Tsk..magtatanong pa’ siya na mismo ang kumuha ng dalawang kamay ko at hinawakan niya. ‘Come closer’ pinalapit pa ako sa kaniya and he put his arm around me rubbing my arm where his hand settled.Siyrempre to create heat di ba? When you rub two things it will cause heat..science po yun, in case na maisip niyo na history yun. :)

Wahahaha..diyos ko po..ba’t may ganito? Pigil na pigil ko yung hininga ko..kasi si Gino, sobrang lapit ng mukha niya sa’kin, yung pag yumuko siya malamag magtatagpo yung mga labi namin.

‘Still cold?’ napansin niya sigurong di ako umi-imik kaya nagtanong.

‘Hindi na masyado..’ napapatingin ako sa kaniya, gusto kong makita kong anong itsura niya ngayon na ganito kami..parehas din ba kami ng nararamdaman sa oras na ito? parehas di ba yung mga tumatagpo sa isipan namin? Pero hindi nga puwede akong tumingala sa kaniya di ba? ‘Thanks Gino’ I just said.

Hanggang sa matapos yung pelikula, walang nagsalita sa’min nanood lang kami na nakahilig ako sa dibdib niya, hawak ng isang kamay niya ang dalawang kamay ko at ang isang kamay naman niya ay nasa braso ko. Oh di ba? Anong say ng Carol na yan pag nakita niya kami ngayon? Kabog di ba? :)

Pero sa totoo lang, ganitong mga sitwasyon yung lalong nagpapalito sa’kin eh. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung sarili ko..kung hayaan kung sariling mahulog sa nararamdaman o pigilan yung nararamdaman cause at the back of my mind I know things like this are superficial.

‘Did you like the movie?’ tanong ni Gino habang palabas na kami. Hindi ko pa din gets kung bakit di pa niya binibitawan yung kamay ko eh palabas na nga kami, hindi na malamig.

‘Yeah, thanks I had fun! I think I’m gonna watch it again with the girls’ hehe..ang totoo niyan papanoorin ko uli kasi hindi ko masyadong nakapag-concentrate dahil sa yakap ni Gino.

‘Sama niyo ko’ at may pag-ayos daw ng bangs ko? Nameeenn.. kilig to the bones talaga.

Natulak ko tuloy siya, wala akong mahampas eh ‘Ano ka ba..kabisado muna yung movie eh’

‘But I bet it’s gonna be fun to watch it again with you..and your friends’ kinuha niya uli kamay ko. ‘Kain tayo’

‘Sige’ siya naman taya, hindi naman ako..kaya go lang. Medyo mahaba-haba din yung movie kaya nagutom ako dun since hindi nakakain ng maayos at mabe-break ang holding hands at ‘yakapan’. :)

‘Let’s go eat at my favorite resto’ parang batang nagyaya si Gino. Na-excite din tuloy ako, number 1 cause I know it’s close to his heart since fave resto niya yun and number 2 cause I know masarap pagkain dun, fave niya eh. 

‘You’re gonna like their foods..’ excited na kuwento niya sa’kin ‘the best talaga. I’ll help you.. bigla siyang huminto sa pagke-kuwento at sa paglalakad pati yung ngiti niya nawala. Nagtaka tuloy ako pero ng marinig ko yung..

‘Carol….’

Nakaramdam ako ng kaba. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

‘Mom..’

Biglang binitawan ni Gino ang kamay ko.

I’m not sure if I heard fear in his voice..

‘Oh hijo..’

Obviously that’s his mom cause Carol calls him honey.

‘I didn’t know you’re out..’ at napatingin sa’kin..just like the first time I met Carol, tiningnan din niya ako mula ulo hanggang paa. ‘And who’s this beautiful lady you’re with?’

Okay naman eh..beautiful lady naman daw ako.

‘Ah.. my SCHOOLMATE mom..’

Eeenk…schoolmate??? Di man lang friend?? Tanggap ko naman na hindi girlfriend eh pero schoolmate..ano yun?? At bago pa mahalata ang aking pagka-ngarag ko.

‘Hello po ma’m’ I greeted his mom..siyempre baka maging mother-in-law ko siya kaya pa-ganda points na kahit papano.

‘Nice meeting you hija..’ beso-beso

‘Marga po’ I said.

‘Carol, you haven’t greeted your boyfriend’ pansin ng mommy ni Gino.

‘Ah..yes..’ mukha din itong natauhan ‘Honey’ at smack sa lips daw talaga sa harapan ko sabay link ng arm niya sa arm ni Gino na kanina lang eh naka-yakap sa kaniya.

Saksak puso na naman ako.

‘Saan na kayo pupunta?’ her mom asked Gino again.

‘Ah..was planning to eat sana mom but..’ he was looking at me..I don’t know..he seems uncomfortable having three ladies with him.

‘Let’s go then.’ Masayang sabi ng mom ni Gino. ‘Join us hija..bihira ko lang makita ang schoolmate ni Gino na babae. I’m curios what he does in school besides playing basketball.’ kumindat sa’kin.

Mukha namang mabait ang mom ni Gino. But I noticed Gino seems so quiet habang kumakain kami..if he is control freak with me..with his mom naman para siyang maamong tupa..opo lang ng opo. At wala yung cheerful, excited na voice niya everytime magsasalita siya…something is wrong I think.

I remember I need to go to KC’s birthday pa pala, I wonder if he’s still gonna come with me. Nahihiya man akong mag-text sa harap ng mom niya at baka sabihing bastos ako..I have to text him na lang kesa kausapin ko pa siya, baka pagtaasan ako ng kilay ni Carol.

Kaloka talaga, other woman na other woman ang drama ko dito. Pero no, I won’t allow that to happen. I will always choose what is right even of it means it will hurt me or sacrificing my happiness. Last na to kagagahan kong ito kay Gino, di na to mauulit..promise talaga. 

To Gino: Are we still going to KC’s bday?

Message sent

2 mins..5 mins..no reply. Gino, Gino..pansinin mo yung fone mo, dasal ko.

‘Son, can you please bring Carol to the flower shop where we get our flowers? Her mom wants to get some today. Sasamahan ko sana siya kaso I have to go na my friends are waiting for me.’

Lagot..pano na yung party?

I look at Gino. Buti na lang napatingin din siya sa’kin, hopefully isa lang yung tinatakbo ng isip namin. At tingin ko pa lang sa mata niya mukha ngang mag-isa akong pupunta sa party. :(

So much for holding hands and ‘yakapan’ kanina. We parted as if nag-meet lang kami sa mall kanina at ngayon ay mag-isa akong nag-aabang ng taxi papunta sa birthday ni KC. Ganda ng ending ng movie date namin di ba?

  1. nizami-lainez reblogged this from juliemags
  2. juliemags posted this