Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Twenty-Six

Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa CR..but I made sure, hindi na ito yung CR na nakulong ako nung isa..so hindi mangyayari na kakailanganin ko na naman si Gino. After kung mag-suklay, powder at chineck ang itsura ko lumabas na rin ako. Feeling good now, thanks sa mga pagpapatawa ni Sam kanina.

‘Not so fast’ I heard someone said.

‘Huh?!’ napapitlag ako ng makita ko kung sino ang nagsalita. At yung puso ko tumatambling, gumugulong na naman ng pagkabilis-bilis. Hmp..I decided to ignore him. Pero di effective, humarang siya sa dinadaanan ko bago pa man ako makalayo.

‘My god Gino..ano na naman ba ‘to? Why are you here? Are you following me?’

‘Tsk’ sabay poke sa noo ko ‘Bird brain!’

Ignore that..masisira lang ang beauty ko sa kaniya. Hindi na ako gumalaw sa kintatayuan ko since in the first place nakaharang siya dun.

‘Stalker!’

‘Ang saya niyo kanina ah..patawa-tawa ka pa’

So is that why he is here? Para naman maging nega ang aura ko since ang saya ko kanina? BV talaga..ayaw man lang maging masaya ang mga tao sa paligid niya.

‘I need to go, hinahanap na ko ni mama’

‘Kaninong kasalanan yun? Kung umuwi ka na after nung project nyo eh di by now nasa bahay ka na at di nag-aalala na hahanapin ka ng mom mo’

‘Come on..give me a break’ tinabig niya si Gino. Wapakels na kung masubsob sya sa dingding.

‘Is that how you treat your boyfriend?’

BOYFRIEND????? Napatigil ako dun. Letsugas talaga..ang kapal ng mukha! Boyfriend???

Yun ba ang pagkaka-unawa niya dun sa kiss ko sa cheeks kanina? Hinalikan ko lang siya boyfriend na??

At dahil gusto ko ng matapos ang walang ka-kuwenta-kuwentang usapan na ito, hinarap ko na siya. ‘Okay, what’s the problem mister?’ nakapamewang ako.

‘Hindi ako ang may problema’

‘Okay so hindi ako, wala naman palang may problema, eh di good’ I turn around and started walking again.

‘Wow..ang taray ah..new Margarita Santos ba ang nasa harap ko? In fairness, Marga improving ah’

‘Thank you’ I shouted at patuloy pa rin sa paglakad.

‘I didn’t say you can go na’ biglang hawak nito sa braso ko.

Namaaaaan…siya na ata ang pinaka-makulit na taong nakilala ko sa buong mundo.

Tiningnan niya ako and said ‘Let’s talk…please’ Nakaka-inis talaga, next time I swear di na talaga ako titingin sa mga mata niya. Pinapalambot nito ang puso ko eh, na para bang kalimutan ko na lang ang lahat ng nangyari nitong nagdaang araw.

But before I lost my composure..inalis ko ang kamay niya sa braso ‘Ano ba talagang kailangan mo?’

‘Ah…’ then he smile at me.

I swear again, next time pati ngiti niya di ko na rin titingnan. Sa lupa na lang ako titingin pag kakausapin niya ko. Nadadala ako sa mga ngiti niya eh.

‘Wala naman..actually..’ eh ba’t parang yung mayabang ang nangangarag ngayon?

‘You’re wasting my time Gino.’ I started walking again. Pero humarang uli ito sa harapan niya, arms wide open parang naglalaro lang ng basketball.

‘Ano ba?’ tinulak ko na siya, nakakainis na talaga eh. ‘I’m not playing games with you okay? Kung gusto mong maglaro, maghanap ka ng kalaro mo. Just go, just leave me alone..

‘Let’s watch a movie tomorrow’

Ano daw? I know I look stupid with my mouth wide open..sorry di ko kasi talaga na-gets? I mean is he..does he..he wants us to watch a movie? Like a date?

‘I said, manood tayo ng sine bukas’

Comedian ata talaga to si Gino o kaya naka-drugs, an lakas ng trip eh.

‘Hindi nakakatawa’ nag-lakad na naman ako uli. Ano bang tingin niya sa’kin ? Cheap? Ganun-ganun na lang, dahil ba pinaramdam ko sa kaniya na may feelings ako sa kaniya eh ibig sabihun nun papatulan ko siya kahit na may girlfriend siya? The hell!Pinaglalaruan niya emosyon ko eh, pinapa-asa ako! Langya talaga!

‘Tomorrow, 1pm, susunduin kita sa bahay niyo’ he shouted

Tumigil ako sa paglalakad. Susunduin? Before that was dadaanan..now susunduin na.

Tapos nakita ko na lang si Gino nauna nang naglalakad sa’kin.

‘Ginooo…’ I called and run after him. Hinawakan ko ang braso niya para tumigil siya sa paglalakad. Kaloka talaga, ngayon ako naman itong humahabol sa kaniya. ‘Ano na naman bang trip ito, ha? Yinayaya mo akong manood ng sine? Ang nakain mo? Pinag-titripan mo ba ko?’

‘Ano bang problema kung manood tayo ng sine? Mali ba yun?’ he asked back.

‘Oo mali!’ I shouted at him ‘Maling-mali cause you’re confusing me, alam mo ba yun?’ hampas ko sa dibdib nya, sobra na talagang nakaka-inis siya. Anong akala niya sa’kin ferris wheel, roller coaster?

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko para pigilan sa paghampas sa kaniya. ‘You promise me Marga..you will stay with me until I fix my life, until all the confusions I have cleared’ he said softly and clearly. At saka niya ako binitiwan at iniwan akong ini-isip pa ang mga sinabi niya.

S*** na promise yan! Walang kuwenta..sipa niya sa dingding. At higit sa lahat na kinaiinisan ko..etong sarili ko eh, excited na manood ng sine kasama si Gino. Tanga-tangang Marga, looking forward naman manood ng sine. Ka-badtrip..pwede bang magpa-silya elektrika ako ng matauhan ang buong pagkatao?

  1. juliemags posted this