‘Anyareh bes?’ di rin naka-pigil si Chy.
Akala ko nga tatahimik lang siya pagdating ko, yun pala nagpalipas lang ng ilang minuto magtatanong rin. Chismosa talaga!
‘Saan?’ Kunwari lang na di ko alam ang tinutukoy niya. Pero ayaw ko talagang mag-kuwento ng nangyari dun sa room..as if may nangyari..haha!
‘Dun sa tsup..tsup…’ sabay nguso.
Ewww…kadiri talaga to si Chy! Ang bastos, gumaganun talaga. ‘Bastos!’ binato ko siya ng cartolina na nakuha ko.
‘Haha..sinasabi ko na nga ba eh..kuma-career ka’
‘Pst..tumigil ka nga diyan, wala yun noh!’ pasaway talaga.
‘Wow..wala na pala ngayon ang mga ganung bagay’
Eenk, bigyan ba ng ibang kahulugan ang sinasabi ko. ‘Comedian ka?’
‘Hindi! Action star..sisipain kita pag di mo sinabi sa’kin’
‘Wala nga, ang kulit mo’ tumalikod ako kay Chy, ang kulit talaga sabi ng wala! ‘Namaan!..’ may nabundol ako,di kasi tumitingin sa..ay si Sam pala..buti na lang di ko nasabi ang aking voilent reaction.
‘Musta?’ sabay kindat at kurot sa baba ko. Kung siya na lang sana si Gino di ba? Kaso hindi siya kaya sorry na lang ako.. :(
‘Haba ng hair’ dinig kong sabi ni Chy na ngayon ay winawasiwas pa ang buhok niya.
Tsk..kung maka-asar talaga tong babaeng to. Babatukan ko talaga yan mamaya!
‘Hey Samie’ I don’t want to face Sam in a bad mood. He deserves a good company, but I’m not one at the moment.
‘Samie ka diyan ang fake naman ng smile mo’ kurot niya sa pisngi ko.
Sinundan ako sa upuan at tumabi sa’kin.
‘Anong nangyari sa’yo kahapon?’ tanong sa’kin ni Sam. I know he was really worried. ‘Still feeling bad until now Marg?’
‘No..okay na ko’ ngumiti uli ako sa kaniya. Si Sam talaga, super bait and I know his concern is genuine.
‘Now, tell me..who hurt you?’ umakbay ito sa’kin at kinabig ako palapit sa kaniya.
‘Wala nga..’ natatawa ako kay Sam sabay hampas sa dibdib niya. As always lagi siyang ready na ipagtanggol ako kaso hindi siya nakakakuha ng pagkakataon.
Ewan ba kung bakit pag may nangyayaring kamalasan sa’kin si Gino yung laging andun pero kung magsalita kala mo naman..pero itong si Sam siya talaga yung perfect picture ng hero eh but he never had a chance to save me.
‘Lika, libre kita..’ kinuha ang kamay ko at pilit akong pinatayo.
‘May ginagawa pa kami ni Chy eh’
‘Okay lang yan babalik rin naman tayo, o-order lang saka mag-uusap dun o’ turo sa isang corner ng cafeteria.
‘Siya..sige na,sige na’ buti na lang pumayag rin itong si Chy.
Um-order ng cake..alam niya kasi favorite ko ang cake, lalo na yung chocolate cake..yummy!
*Tok *tok *tok Sam knocking on the table.
Mmm? ang weird talaga ng Sam. ‘Bakit?’ nagtatakong tanong ko.
‘Puwede ka bang pumasok sa buhay ko?’
‘Ha?’ di ko ma-gets
‘Booom!..Hahahaha..’
Ang tanga ko talaga pick-up line pala yun..haha! Sabaw. ‘Baliw’ natatawang sabi ko kay Sam sabay hampas sa braso.
‘Wait..wait’ may kinukuhang kung ano sa bulsa niya..celfone pala. ‘Picture tayo Marga’
‘Ha? e..bakit ba?’ madungis ata ako
‘Para ma-develop tayo…booom!’
Langya..another pick-up line. Loko-loko talaga tong si Sam.
‘Di ka nauubusan ah..’
‘Meron pa ko..’ nag-isip ‘Tinurukan ka ba ng anesthesia?’
‘Bakit?’ at least ngayon alam ko na.
‘Di mo kasi maramdaman na mahal kita eh’
Ngumiti siya sa’kin pero bakit iba ang pakiramdam ko sa sinabi niyang yun.
‘Wahahaha..’ tumawa ako ng tumawa..actually di nakakatawa pero tumawa lang ako para mawala yung awkwardness sa sinabi niya.
‘Nakakatawa di ba?’
Buti na lang napilitan ding tumawa si Sam.
Ennnk..pinagpatuloy ko na yung kinakain. ‘Saan mo naman nakuha yang mga ka-kesohan mo na yan?’ hypher ‘Ikaw ah, guma-ganyan ka din pala ah’ kiniliti ko si Sam ‘Mais!’
‘Haha..kay Mr Google..mas corny siya’ and then ‘But seriously..’
‘Ah..’ ano pa ba puwede naming pag-usapan? na-se-sense ko na eh.
‘Can I ask you?’
Lord, iligtas mo po ako ngayon..dasal ko. Ayaw ko po ng ganitong sitwasyon, please, ayaw ko pong masaktan ang damdamin niya.
‘Ah..sure..’ baka iba naman ang itatanong niya.
‘Kung meron kang kaibigan tapos dun sa friend mo na yun, iba na nararamdaman mo..’
‘Like parang natatae?’
‘Hindi..Marga talaga’
‘Hehe..sorry, sige go on’
‘Anong pipiliin mo, yung friendship niyo o yung feelings mo?’
Hayyyyys…kaloka talaga ang tadhana. Kung sino yung mahal mo di naman puwede, kung sino yung hindi mo mahal yun naman ang habol ng habol sa’yo.
‘Mmm..depende siguro kung sa tingin ko naman na mutual yung feelings di ba? Pero parang ang hirap ata ng ganun di ba Samie?’
‘Pero pano yung happiness niyo dun sa more than friends na relationship..parang mas masaya yun kesa dun sa friendship lang.’
Napalunok ako..di naman siguro siya nagpaparinig ano?
‘Di ba yung feeling na, may kahawak ka ng kamay while walking’ kinuha niya ang kamay ko. ‘Tapos pag may problema ka sa school, sa family..you have someone to lean your head on’ pinahilig niya ang ulo ko sa balikat niya ‘Someone who will take care of you..someone who will truly love you’ inayos niya ako at tiningnan sa mata.
‘Ehem..Ah..ang suwerte naman ng magiging girlfriend mo Sam’ suwerte talaga ng magiging girlfriend niya, walang halong biro. Ang bait-bait ni Sam di ba? Kung puwede nga lang sabihan ko yung puso ko na si Sam na lang, gagawin ko, kaso yung puso ko di natuturuan eh..tanga talaga ang gusto yung isang tao walang kuwenta. Tsk!
’..- tapos..Marga’ naramdaman kong siniko ako ni Sam.
‘Ha?’ naglalakbay na naman ang utak ko patungo dun sa isang tao.
‘Sabi ko, I don’t want to see you getting hurt. You’re special to me..’ kinuha ang kamay ko ‘you’re a special friend. Ayaw kong nalulungkot ka, umiiyak’ hawak sa mukha ko.
Aww, tats naman talaga ako kay Sam. Hindi lahat ng babae nagkakaroon ng isang kaibigan na katulad niya.
Yinakap ko siya ng mahigpit ‘Thank you Sam. Sobrang na-appreciate ko yung friendship natin..alam mo ba yun?’ kumalas ako at kinurot-kurot ang pisngi niya.
‘Pag may nanakit sa’yo sabihan mo lang ako ok?’
Tumango lang ako..
‘Alam mo ba..minsan masalimuot talaga ang buhay no? Haha..nakakatawa talaga’
Hindi naman niya siguro tinutukoy si Gino, ako at siya.
Umiling-iling si Sam. He took a deep breath para bang gusto niyang alisin sa isip niya ang alam niyang ‘namamagitan’ sa amin ni Gino ‘Anyways..basta don’t hurt yourself. You are sweet, mabait… you deserve to be happy.’
I nodded while smiling at him.
‘Promise? Happy ka lagi?’
I nodded again
‘Gusto ko happy ka’
‘Haha..baliw’ ginaya niya yung election ad ni Juan Ponce Enrile. May topak din talaga to si Sam.
‘But seriously, I just want you to be happy’
-
superelikemo liked this
-
chaching-chaching liked this
-
clumsygirl13 liked this
-
julielmodabest liked this
-
brownlikewoodfilipinobyblood liked this
-
superflorence liked this
-
iheartjulieandelmo liked this
-
theblacklabyrinth liked this
-
charmainesrandomworld liked this
-
ijustlovethem liked this
-
iheartsnsdsh liked this
-
eggmanshow liked this
-
alainecastillo liked this
-
spreadthelove123 liked this
-
abbynadal liked this
-
everythingjulielmo liked this
-
supershaneyo liked this
-
skyaintmylimit liked this
-
hiedeemaldita liked this
-
funsizehippo liked this
-
juliemags posted this