Buti na lang walang tao sa bahay pagdating, saktong emo sa kuwarto. Naiinis kong hinubad ang mga damit ko.
Mga walang silbi, kala ko pa naman best looking na ko yung pala talbog lang dun sa Carol na yun!
Nagpalit na ko ng pantulog, I don’t want to go out na. Magtatanong at magtatanong lang naman yun si Mama pag nagkita kami. And worst, baka pag nag-kuwento ako eh, umiyak na lang ako ng umiyak.
Syete namang pag-ibig ito eh, nakaka-inis talaga! Tinapon ko yung mga unan ko pati kumot sa sobrang inis.
I’m sure by now ang saya-saya nilang nagpa-party dun sa resto ngayon tapos si Gino at si Carol..nag..nag..tsk!
Binuksan ko ang Ipod ko, linakasan ko, pinaka-malakas. Uma-asa na matatakpan ng malakas na tunog yung nararamdaman ko.
‘Booom boorombombom boorombom bass..’
Lintik talaga! Grrrrr….pati Ipod di nakikisama!
Ang tanga-tanga ko talaga, tama si Gino, tanga, gaga, boba, stupida lahat na ako. Ako na talaga! Puro kasi kalokohan..alam ng may girlfriend yung tao, sumige pa rin.. ayan, asan ka ngayon Marga..wala! Ni hindi ko nga alam kung nagagalit ako kay Gino o sa sarili ko.
Sige umasa ka na aayusin niya yung buhay niya..ibig bang sabihin nun hihiwalayan niya yung girlfriend niya para sa’yo? Asa..A.S.A. Sige umasa ka lang, hintayin mong pumuti ang uwak, pumutok ang Mt Everest, bumaha sa Rice Terraces at magkabalikan si Piolo at KC.
Great..ang galing din ni Lord mag-joke no. haha…hindi nakakatawa. Kung kelan naman yun na eh…saka naman hindi pala. BOOOM! Ako yung na-boom.
Tsk, tsk..poor Marga..poor Marga. Asan ka na ngayon? Eto yakap ang nagdurugong puso.
Kainis..napansin ko na lang yung sarili ko pinupunas ko na yung luha ko. Nameen, may pag-iyak talaga Marga? Ganun ka-sakit? Kayo kaya ma-first love tapos ganito ang aabutin niyo kung di kayo lumuha ng dugo.
Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang ng umiyak sa unan ko.
‘Marga..anak’
Si Mama..hindi ako sumagot. Mabuti ng isipin niyang tulog na ako.
Tumunog yung celfone ko, napatigil ako ng ilang sandali..Gino?
Eeenk..si Sam. Dedma..I don’t want to talk to him, bahala na magdadahilan na lang ako pag nagkita kami.
Eto pa rin ako nagpatuloy sa aking pag-e-emo..iyak dito, singa dito, punas dito..ang gaga ko talaga.
Nag-ring na naman yung fone..baka this time siya na yun. Hoping again.
Si Chy..ayaw ko pa rin sanang kausapin si Chy pero nag-text ito.
Chy: Bruha ka, sagutin mo tawag ko. Kailangan mong magpaliwanag.
Tsk..okay fine.
‘Sorry bes, nasa CR kasi ako’ haha..sinungaling talaga ako kahit kelan.
‘Sorry ka diyan..anong drama mo kanina?’
‘Wala’ iwas ko.
‘Ano nga kasi? May something ba kayo ni Gino?’
‘Wala eh’ mabilis pa sa ala-una yung deny ko.
‘Hay naku, umamin ka na kasi..’
‘Wala nga…’ my voice started to break ‘Wala talaga..’ pahina ng pahina. Tinatakpan ko yung bibig ko kasi baka marinig niyang umiiyak ako.
‘Sus..ano ba? Sa’kin ka pa ba magtatago? Kakampi mo ko di ba?’
‘Kakampi? Eh kung makipag-close ka dun sa girlfriend niya parang siya na yung bestfriend mo eh. Langya ka!’
‘So yun pala, nagse-selos ka dun sa girlfriend niya!’
Hindi na ako umimik. Kahit kelan talaga napaja-taklesa ko.
‘No..’ deny pa rin ako kahit nahuli na sa bibig.
‘O siya..bahala ka. So anong plano mo ngayon?’
‘…wala..’ as if accepting my defeat.
‘Tsk..naman kasi Marga..ano ka ba?’
‘So kasalanan ko pa ngayon at na-inlove ako sa kaniya ha??’
‘Di naman sa ganun pero ang hirap ng situation mo girl, pati ako nahihirapan sa’yo eh.’
Yun na di ko na rin napigilan, umiyak na ko ng umiyak. Kung puwede nga lang, kung gano kabilis yung pagpatak ng luha ganundin kabilis ang pagkawala ng sakit. Pero hindi eh, kahit na isang drum pa ata ang iluha ko ngayon, di pa rin mawawala yung sakit.
‘Bakit ganun Chy?’ hikbi..hikbi.. ‘Mabuting tao naman ako di ba?’..hikbi..hikbi..
‘Marg..’
‘I know madalas pasaway ako kay mama pero bakit ganito naman? Sobra namang sakit nito..’
‘Nag-usap na ba kayo ni Gino?’
‘Tsk, ano namang pag-uusapan namin nung napakagaling na tao na yun??’
‘Siyempre para maayos yang - ‘
‘The hell, magmumukha lang akong tanga dun..sabagay dati namang tanga ang pagtingin niya sa’kin di ba?’ I made a bitter laugh, remembering how he made me look stupid in front of Carol. ‘Kainis talaga!’ wiping my eyes.
‘Kaya mo yan bes, alam ko namang strong na strong ka di ba? Kabog na kabog mo nga si papa Sam…haha’
Pinilit ko ding tumawa. Buti na lang I have Chy para naman nalalagyan ng kunting sense yung utak ko.
‘Uy yung project natin sa PE kelan natin gagawin?’
Oo nga pala, eto siya ngppka-gaga dun may project nga pala siyang dapat asikasuhin.
‘Punta ka sa school tomorrow’
‘Bakit?’
‘Gagawin nga natin yung project sa PE, gaga!’
‘Ah..’ sabaw talaga. ‘Sige’
‘Tigilan mo na yang pag-iyak mo ah, baka bukas namamaga yang mata mo’
‘Okay sige’ haay..tama na nga. ‘Salamat friend’
‘Tsk, ayos lang tol!’
‘Sige..
‘Di ka ba talaga other woman ni Gino’
‘Ha?’ anong pinagsasabi ng babaeng ito
‘Other woman ni Gino ikaw’
‘Langya ka, umayos ka nga..batukan kita diyan eh. Di pa nga nagkaka-boypren, other woman agad’
‘Haha..peace, nagtatanong lang. O siya bukas’
‘K..wait lang’
‘Ano?’
‘Puwede ba, wag kang masyadong magpa-friendly-friendly dun sa Carol na yun, nababanasan ako sa’yo eh’
‘Spell bitter…M.A.R.G.A..bwahaha’
‘Langya ka talaga!’
-
superelikemo liked this
-
spreadthelove123 liked this
-
chaching-chaching liked this
-
clumsygirl13 liked this
-
julielmodabest liked this
-
superflorence liked this
-
iheartjulieandelmo liked this
-
iheartsnsdsh liked this
-
charmainesrandomworld liked this
-
abbynadal liked this
-
brownlikewoodfilipinobyblood liked this
-
alwaysyoursecondbest liked this
-
jennikris14 liked this
-
eggmanshow liked this
-
wazakakosiyakami liked this
-
alainecastillo liked this
-
funsizehippo liked this
-
everythingjulielmo liked this
-
ijustlovethem liked this
-
hiedeemaldita liked this
-
juliemags posted this