Girlfriend ni Gino??
I can hardly move sa kinatatayuan ko, hindi ko din maalis ang tingin sa babaeng iyon na ngayon ay hawak ang kamay ni Gino.
Parang kailan lang ng sabihin niyang may gusto siya sa’kin tapos ngayon I’m faced with the reality na totoo may girlfriend siya. Parang inuntog ng maraming beses ang ulo ko sa semento para magising sa isang ilusyon.
‘Whoaaa….panalo tayo!’ sigaw ng mga tao sa paligid ko. Chy was jumping beside me but I couldn’t shout with them. Sa gitna ng hiyawan, eto ako di makuhang ngumiti dahil sa aking nakikita.
‘Marga..dali..punta tayo kila Gino’ hila ni Chy sa’kin.
‘Wag na’ pigil ko naman kay Chy. Ayaw ko ngang makita ng harapan yung babaeng yun. Ewan ko ba lalong uminit ang ulo ko sa kaniya ngayon..dati pa naman, kahit noon pa na hindi ko pa siya nakikita indifferent na ako sa kaniya, lalo na ngayon..basta! Iba pakiramdam ko.
‘Ay naku, bilis na..dali na..mauunahan na tayo nung mga tao o’ hila pa din ni Chy sa’kin.
‘Ayaw ko nga kasi’ ayan napa-sigaw tuloy ako na ikina-gulat ni Chy. Tumigil ito at hinarap ako.
‘Okay ka lang?’
‘Sorry, okay lang’ iwas ko habang inipit ang buhok sa likod ng aking tenga. ‘Wag na tayong pumunta dun, pagkakaguluhan lang sila dun’ kinuha ko na ang kamay ni Chy para pumunta sa exit.
I know..I look stupid and weird. Sana lang hindi magtanong si Chy. Hindi ko pa kaya na-kuwento yung feelings ko kay Gino. Buti nga hindi, kasi baka ngayon pinagtatawanan niya ko.
‘Margaaa…’
Eenkk..tsk, hayyy..kung kelan naman
‘Hey..where are you going?’ Si Sam hinabol kami.
‘Sam’ in a high-pitch tone, para kunwari surprise na nakita ko siya. ‘Uy, congrats ah, ang galing mo kanina’ as if pinanood niya si Sam eh puro si Gino yung tinitingnan niya kanina.
‘Thanks, para kaya sa’yo yun di ba promise ko?’ayan na naman yang pag-kurot sa baba eh.
‘Ehem’ si Chy, nagpaparamdam. ‘Uy, musta si Gino ok n b?’
‘I hope so..mukhang masama yung tama sa tuhod niya. Lika, check natin..’
At bago pa man ako mag-reklamo, hawak na ni Sam ang kamay papunta dun sa team nila.
My heart is beating so fast, from the thought na magkikita kami ni Gino at higit sa lahat makikita ko silang magkasama nung girlfriend niya. Kung kelan naman excited na ko sa love life ko saka naman may guma-ganito eh. Kaloka talaga ang buhay.
’..- how are you feeling honey?’ tanong ng girl kay Gino.
‘Medyo okay na din’ maikling sagot ni Gino na nakayuko at hawak pa rin ang tuhod niya. ‘I didn’t know you’re coming’
‘Surpise..surprise. Kararating ko lang, sabi ni tita andito ka raw so I decided to come and watch you’ then she hug Gino.
Saka siya tumingin sa team mates ni Gino na naka-paligid sa kanila at ngumiti. ‘Congrats sa inyo ah, ang gagaling niyo mag-laro’
‘Thanks Carol..buti na lang dumating ka, tamang-tama may mag-aalaga na kay Gino’
Ouch! Ang sakit naman nun ah, puwede ko naman kaya siyang alagaan. Napaka-insensitive talaga ng mga lalake.
‘Of course, I’ll take care of my honey’ may paghimas pa talaga sa likod ni Gino.
Parang gusto ko ng umalis..nakaka-op lang dito. All their attention ay na kay Carol. Tahimik lang kami, observing, nakikinig sa tabi ni Sam. Well, honestly, medyo intimidating ang beauty nitong si Carol.
Parang yung kanta ni Taylor Swift..
But she wear short skirts, I wear t-shirts
She’s Cheer captain and I’m on the bleachers…
She wear high heels, I wear sneakers..
Ganun ako kalayo sa kaniya. Feeling ko napanis yung white legs ko sa hita niya pati yung ganda ko pumangalawa na lang sa kaniya. Hay..nawawala na tuloy yung self-confidence ko. Tsk! I told you self, bad idea talagang pumunta dito.
‘Sam -..’ gusto ko ng umuwi, yun sana ang ibubulong ko kay Sam.
‘Hey girls’ kaso nakita niya kami ni Chy.
Ayan hindi na kami mukhang poste sa gilid, napansin din niyang tao kami.
‘I didn’t know may girlfriend ka na Sam’ looking at our hands na magka-hawak. ‘She’s pretty I must say’ para naman akong nasa microscope, mula ulo hanggang paa sinuyod ng tingin.
Pinilit kong tumawa para di naman ako mag-mukhang engot dito..and was planning to answer
‘Let’s go guys, I think I can walk naman na’ sabi ni Gino who started to stand.
Thank God, makaka-alis na rin ako sa lugar na’to.
‘Ah, mauna na kami Sam’ bulong ko kay Sam habang palabas kami. I’m sure OP na naman kami dito.
‘Oh come on, sama ka na sa group, kain lang tayo sa labas to celebrate’
Kailangan ba talagang i-lakas?
‘Sumama na kayo Chy, malapit lang naman yung resto dito’
I heard Gino said, I know it was meant for me.
So ayun, sumama na lang kami, kahit di kami nagsa-salita ni Chy, puro tinginan lang.
‘Can you drive my car Sam?’
So ibig sabihin nun dun rin kami sasakay sa kotse niya? Eto namang si Chy, excited pa..hindi ba niya na-se-sense na gusto ko ng umalis??
‘Ah Sam.. -’ bubulong pa sana ako
‘Can we just please go..?’ naiiritang sabi ni Gino ‘Wala bang konsiderasyon yung ibang tao diyan? Let’s hurry up okay, suma-sakit na naman yung tuhod ko’
Okay..fine..fine..hindi na nga magsa-salita di ba?
Tahimik akong pumasok sa kotse ni Gino na ida-drive ni Sam while Chy, Carol and Gino sat at the back seat.
‘Nice game kanina Sam..’ nag-simula ng mag-kuwento si Sam, buti naman, ang awkward kaya ng silence kanina. Sumandal na lang ako at tumingin sa labas at panaka-nakay tinitingnan ko si Chy who is now chatting with Carol.
Kainis..ewan ko ba, naiinis talaga ako when my friends talk sa mga kinaiinisan kong tao.
Okay fine, I know..bitter nga ako sa kaniya. She seems nice naman pero ewan ko, iba talaga ang pakiramdam ko sa kaniya. It’s as if I’m disgusted with her, I know wala naman akong dapat kainisan sa kaniya kundi yung fact na girlfriend siya ni Gino.
‘You okay?’ napalingon ako kay Sam ng maramdaman ko ang kamay niya sa batok ko.
Nginitian ko lang siya at saka tumango. I don’t feel like talking..feeling ko kasi lahat ng tao sa sasakyan mananahimik pag nag-salita ako.
‘Sure?’ hinawakan naman niya ngayon ang kamay ko.
‘Yup’ I tap his hand to show I’m really okay.
’..- I so like Nicki Minaj..’
I heard her talking.
Gosh, parehas pa kami ng paborito.
‘Definitely her Superbass song is grabe..actually, natuto akong mag-rap dahil dun’ she was talking to Chy.
Kainis itong si Chy, ba’t ba siya nakikipag-close sa babaeng yan?
‘Have you heard her Moment For Life? ..haha’
Gross!
‘Do you want to hear it honey?’
Yucks..ewwww talaga! I’m sure di lang uulan pag kumanta yan babagyo pa, malamang tamaan pa kami ng kidlat.
I wasn’t looking at her pero I know, nag-lean siya kay Gino and I’m sure may pahawak-hawak pa yan kung saan..tapos..
‘STOOOOOP!’
Bigla ngang tumigil ang kotse at gulat silang lahat napatingin sa’kin.
Oh geee.. what the hell did I do na naman ba? Gusto kong lumubog sa kinau-upuan ko.
I can’t take this anymore..kailangan kong maka-alis dito.
‘Marg, what’s wrong?’ Sam turned to me, worried.
Tiningnan ko din siya, I don’t know what got in to me to do that. Nasa gitna pala kami ng kalsada. Baliw na ata ako.
‘I - I - need to go, I’m not feeling well.’ kinapa ko ang pinto to open it.
‘Marg’ pati si Chy worried na din sa’kin.
‘Ano namang katangahan ito Marga?’ Gino burst with anger. ‘Ina-abot ka na naman ng kabobohan mo, nasa gitna tayo ng kalsada. Can’t you see that? Just sit there and wait till we are in the resto and you can go wherever the hell you want. Stupid!’
Silence as in tahimik na tahimik, lahat sila nakatingin sa’kin na para bang nababaliw na ako sa ginawa ko.
‘Let’s go Sam’ I heard Gino said.
Pero what hurts most is yung pagalitan, sigawan ako ni Gino sa harap ng girlfriend niya. Eto nga eh, wala na nga akong self-confidence kailangan pa ba niyang ipagdiinan sa harap ng girlfriend niya na bobo, tanga, stupida ako???!
But I decided to just shut up my mouth baka umiyak pa ko dito pag nagsalita ako at lalong kahiya-hiya ang gagawin ko. Ito na ata ang pinaka-mahabang biyahe na naranasan ko.
Ang ironic talaga ng buhay..yung mga pangyayari na gusto mong patagalin ang ikli ng oras. Kung kelan mo naman gustong pabilisin ang oras..sobrang tagal naman.
Nakita ko yung kalsadang papasok sa bahay namin.
‘Sorry Sam, I really to need go now. Can you stop here na?’ I’m really serious I just want to go home na. I know I still have to walk papunta sa bahay but at least malapit na lang. Mas gugustuhin ko ng mapagod ako sa paglalakad kesa mapagod ang puso ko dito.
‘Sure?’
Tumango lang ako. Saka itinabi ni Sam ang sasakyan.
‘Sorry talaga guys, I have to go now. Sumama talaga yung pakiramdam ko’ pinilit kong ngumiti para hindi naman ako magmukhang emo.
‘Marg’ Chy called.
‘Usap tayo mamaya’ I said to her, tatalikod na sana ko ng maalala ko ‘Nice meeting you Carol, sorry kanina, masama lang talaga pakiramdam ko’ Haha..plastic na kung plastic. Wapakels… at para dun sa isa, bahala siya sa buhay niya!
‘I’ll call you later’ bilin ni Sam bago siya tuluyang lumabas.
I smiled at him for the last time at saka nagmadali na akong lumabas.
-
superelikemo liked this
-
spreadthelove123 liked this
-
chaching-chaching liked this
-
clumsygirl13 liked this
-
julielmodabest liked this
-
aimandguts liked this
-
superflorence liked this
-
iheartsnsdsh liked this
-
charmainesrandomworld liked this
-
brownlikewoodfilipinobyblood liked this
-
alainecastillo liked this
-
eggmanshow liked this
-
wazakakosiyakami liked this
-
ijustlovethem liked this
-
abbynadal liked this
-
kpgdelapaz liked this
-
funsizehippo liked this
-
jennikris14 liked this
-
trina-japsmoe liked this
-
renak liked this
-
iheartjulieandelmo liked this
-
alwaysyoursecondbest liked this
-
hiedeemaldita liked this
-
juliemags posted this