Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Twenty

‘Gino ibaba mo na nga kasi ako’ pilit ko kay Gino. Nakakahiya kaya pinagtitinginan kami ng mga estudyante.

‘Wag kang malikot. Sige bibitiwan kita dito sa daan’

‘Kaya ko naman kasing mag-lakad masakit lang yun paa ko’

‘Isa pa, mag-ingay ka pa bibitiwan talaga kita dito’

‘Ibaba mo nga kasi..Aray!’ Langya talaga, puwede naman niya akong ibaba ng dahan-dahan di ba? Napahawak tuloy ako sa dibdib niya, baka kasi matumba ako sa linalakaran namin. ‘Masakit yun ha’

‘Sabi mo ibaba ka, di binaba!’

‘Puwede namang dahan-dahan di ba?!’

‘Arte’

‘Ginoooo’ binuhat na naman ako.

Nakita kong papunta kami sa kotse niya. ‘Wait..wait…mag-ta-taxi na lang ako’

‘Ako na mag-uuwi sa’yo’

‘Wag na nga, may practice kayo baka hinahanap ka na nila coach dun’

Mukhang wala namang narinig yung kausap ko dahil binaba pa rin ako sa kotse niya.

‘Madali lang ako’

‘Tsk’ kaka-inis talaga. Lagi na lang siyang nasusunod. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas. At ng hindi pa umandar ang kotse.

‘Ano? Anong petsa na? Masakit ang paa ko. Wala akong panahong makipagtitigan sa’yo ah’ ano ba kasing tinitingin pa niya? Ang haggard ko pa naman ngayon, ikaw kaya makulong sa CR ng ilang oras.

‘Wag mo ng gawin yun ulit ah’ sabay batok sa’kin.

‘Tss!’ Binatukan pa talaga ako.

‘Akala ko kung ano nang nangyari sa’yo.’ naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko.

Hindi ko mapigilang mapalingon sa kaniya. He look really worried and concerned.

‘Sorry’ nahihiya kong sabi habang pinipilipit ang mga daliri ko. ‘Na-istorbo ko tuloy yung practice niyo’

‘Istorbo ka diyan! Halika nga dito’ yinakap niya ko ng mahigpit. Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim habang nakahilig ang ulo ko sa dibdib niya.

Ganito siguro pag nababaliw na sa pag-ibig, nagiging makata! LOL

‘Buti na lang na-hanap mo ko’ naka-yakap pa rin ako sa kaniya. I’m really glad na I’m safe now at higit sa lahat si Gino pa ang naka-hanap sa’kin.

‘Inisa-isa ko kaya yung CR dito, buti na nga lang at hindi ka pa nakakalayo’

Kumalas siya sa’kin at hinawakan ang mukha ko gaya ng ginawa niya kanina ng magkita kami. ‘Please be careful next time okay? Pano kung hindi ako pumunta dn sa bleacher di hindi ko narinig yung phone ko.’

Tumango lang ako. ‘Thank you Gino’ humawak ako sa mga kamay niya na nasa mukha ko. ‘Thank you talaga, you saved me again’

‘Tsk’ at muli niya akong yinakap ‘Pano mo tutuparin yung pangako mo sa’kin kung ganyan ka ng ganyan’

What promise? Kinabahan tuloy ako.

Saka ko naalala ang pinag-usapan namin noon. ‘Sorry na talaga, di na mauulit’ ako naman ngayon ang kumalas at tumingin sa kaniya.

Gusto kong tumawa ng malakas ng makita ko ang expression ng mukha ni Gino, parang bata ito na mawawalan ng nanay.

‘Good’ hawak ang aking kamay ‘Masakit pa ba yung paa mo?’

‘Masakit pa rin’ me looking at my hurting foot ‘Pero maganda na pakiramdam ko kumpara nung naka-kulong ako kanina’ 

‘Let me look at it’ akmang kukunin yung paa ko.

‘Wag na’ pigil ko agad sa braso niya.

‘Wag makulit pwede ba?’ Kinuha pa din niya yung paa ko at pinatong sa lap niya.

‘Marunong ka ba niyan?’

‘Marunong, madalas akong na-sprain sa laro’

May kung anong bagay siya na kinuha sa dashboard ng kotse at binalot sa paa ko. Hindi ko mapigilang panoorin ang mga kamay niya habang binabalot niya ang paa ko. He is so gentle at alam na alam niya ang ginagawa niya. Papalit-palit ako ng tingin sa kamay niya at sa mukha niya.

‘I know..bilib ka na naman sa’kin ano?’

‘As if..’ wala akong ibang masabi eh, tama na naman siya. Siya na ang magaling, guwapo, hero, maalaga, siya na lahat..

Bakit parang hindi ko napanood sa pelikula ang mga ganitong pakiramdam? Bakit parang mas kakaiba ang nararamdaman ko ngayon kesa dun sa mga sinasabi ng mga pelikulang pinanood ko.

Siguro nga kahit gaano mo planuhin yung pagdating ng pag-ibig para sa’yo, o kaya gayahin mo yung sa iba, gaano ka man humanda sa pagdating nito..you can never tell you are prepared for it. Sabi nga nung paborito kong kanta ng JuliElmo, ‘When love comes around.. it knocks you down!’ Knock down nga ako, round 1 pa lang. Dumarating na lang sa mga pagkakataong hindi mo ina-asahan at sa mga tao pang hindi mo din inaasahang mahuhulog ka. 

Dapat siguro gumawa na din ako ng sarili kong love story..siguro romantic comedy, maganda yun.. puwede ring sexy, kasi sexy naman ako dabuh? :)

‘That will work for now, pero pagdating mo sa bahay niyo lagyan mo ng yelo’

‘Do you know how to dougie?’

‘Ha?’ tiningnan ako ni Gino na para bang alien ako sa tanong ko.

‘You know, yung teach me how to dougie..like this’ nagmotion-motion pa ko ng kamay habng naka-upo.

‘Tsk..kung ano-ano kasing inaatupag mo sa buhay mo kaya ganyan ang nangyayari sa’yo’ dahan-dahang ibinaba ang paa ko at ini-start ang sasakyan.

‘Kill joy!’

‘I heard that’

‘Hmp!’ at naalala ko ‘Bakit pala galit ka kanina?’

‘When?’

‘Di mo na maalala kasi lagi ka na lang galit’

‘Ano nga yun??’

‘Yung kanina nung pauwi na ko’ I reminded him.

‘Just don’t mind me’ mukha ngang naalala niya dahil napasimangot ito habang nag-da-drive.

‘Eh bakit nga kasi’ kulit ko din talaga no?

He looked at me, ini-isip niya ata kung sasabihin talaga.

‘Oh?’ waiting

‘Bad trip lang ako kanina’

‘Bakit nga?’

‘Basta!’

‘Haler Gino? Anong klaseng sagot yun? Sabihin mo na kasi, ang hirap mo kasing intindihin. Sometimes we’re okay, then suddenly you’ll burst into anger. Hindi ko na tuloy alam kung pano kita pakikisamahan. One time your so gentleman and sweet then suddenly para kang tigre na mangangain…-‘

‘Okay fine..fine, an dami mo ng sinabi’ making her stop.

Tiningnan niya ako at saka huminga ng malalim. ‘Ewan ko ba..basta pag nakikita ko kayong magkasama ni Concepcion umi-init ang ulo ko. I don’t know!’ iwas niya.

‘You mean like..you wanna hit him?’

Tiningnan ako ng masama ni Gino pero tumango din after a few moments.

‘Tapos ikaw naman hinahayaan mo lang siyang hawakan yung buhok mo, pag ako nagagalit ka! Tapos kanina I saw him hugged you pa and kissed you’ lalong nakunot ang noo ni Gino.

‘Wait…wait.. -‘

‘If you’re thinking I am that ‘J’ word, I’m not, okay?!’

‘Haha..who’s saying that ‘J’ word? I’m not!’

‘Huh!’

Di ko na napigilang tumawa..as in tumawa ng malakas. You know the feeling when you caught someone tapos sinusubukan pang mag-deny eh obvious naman.

‘Why are you laughing?!’ naiiritang tanong ni Gino. ‘Okay fine, I’m jealous!’

Wahahaha…*gulong in the deep. Yun yun eh! Abot-tengang ngiti ko ngayon.

‘Sige na, tumawa ka na..I know you’re laughing inside’

‘I’m not!’ gusto ko talagang tumawa pa ng tumawa sa kaiyahan pero pinigil ko lang kasi seryosong-seryoso si Gino, baka ihulog niya ko sa kotse.

Parehas kaming tahimik sa natitirang minuto ng biyahe patungo sa bahay. At ng huminto sa tapat ng bahay namin, kinuha ko na yung mga gamit ko.

‘Marga’ napatingin ako sa kamay ni Gino na naka-hawak sa braso ko. Hindi ko siya tiningnan sa mukha baka may masabi akong kagagahan naman kaya nanatili na lang ako sa upuan ko at hinintay ko siyang mag-salita.

‘Do you like Sam ba talaga?’

Why is he asking me that question? Should I answer him no o kaya ‘it’s you that I like’ actually ‘love’ na nga ata.

Nakita ko siyang pinatong ang ulo sa manibela para bang ang bigat-bigat ng ini-isip niya ngayon.

‘Do you know what exactly I feel every time you smile at him? Pag kinukurot mo yung mga pisngi niya? Kapag pinipisil naman niya yung baba mo? Kapag hinahawakan niya yung kamay mo? When you let him touch your hair?’

I didn’t say a thing, kahit na gustong-gusto kong malaman ang sagot dun. Seryoso siya at baka ngayon lang mangyari ito na magka-usap sila ng seryoso yung hindi siya nagyayabang at nanlalait.

‘Masakit.’ then he look at me ‘Ayaw kong may lumalapit sa’yong ibang lalake kasi nangako ako sa’yo di ba?’ he took my hand and hold it tight ‘I told you, aayusin ko lang yung buhay ko kasi ginugulo mo ako’

Ikaw din naman ah ginugulo mo ang buhay ko.

‘But that’s entirely being selfish Gino.’

‘Tell me if it’s selfish to .. to like you, to have you as my own.’ looking straight into my eyes.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig iyon. Alam ko ng gusto niya ko, I heard him and Sam talked about it, pero iba pa din ang pakiramdam ng sinabi niya yun sa harap ko mismo. Parang may kung anong hanging naipit sa aking lalamunan, hindi ako makahinga at maka-galaw sa kinau-upuan ko.

Is he like courting me na ba?

‘Selfish na kung selfish, pero ano ang silbi na ayusin ko ang buhay ko kung pagkatapos naman nun wala ka sa’kin?’

I couldn’t say a thing. An daming tuma-takbo sa isip ko ng oras na yun. So does it mean kami na ba? MU ba kami..ano ba??

‘Sorry, I had to say this to you now. But I can’t keep it any longer. Hindi na kaya ng utak ko na ikaw na lang ang laging laman ng isip ko. Pag hindi kita kasama nag-aalala ako sa’yo kasi baka kung ano na namang kagagahan ang gawin mo just like what happened today. Yung mga ngiti mo hindi nawawala sa isip ko. Yung mga kalokohan mo, I like them, I smile when I think about your craziness, nung makakuha ka ng lowest score sa Trigo quiz..nung madulas ka sa gym..’

Wait..wait..does he have to enumerate pa talaga yung mga katangahan ko?I knew he is smiling, I can hear it in his voice. Pinagtatawanan talaga ko.

‘Marga’ hinawakan niya ang baba ko para tingnan ko din siya. ‘Do you like me?’

Ca$hing..ca$hing ang 1 million dollar question.

I didn’t answer..I don’t know what to say, is he expecting me to answer him now? Ambilis naman.

Napa-pikit ako ng mapansing kong his face is coming closer. Is he gonna kiss me?
Does it mean kami na??? Pero, hindi pa niya ko liniligawan di ba? O ganito na ba yung panliligaw ngayon? Ganun lang kadali?

‘Are you…’ lunok ‘are you going to..’ lunok uli ‘kiss me?’

Toink! Marahang pinalo ang noo ko.Waaaaah…panira ng moment!

‘No, hug lang muna’ he gave me a big smile.

Tsk..disappointed. :(

It was hug pero mahigpit yun at matagal. ‘Next time kiss na yan’ he whispered to me and kissed my hair. ‘Go’

Saka lang ako natauhan dun. Andito na nga pala kami sa tapat ng bahay.

‘Don’t forget what I said’ bilin ni Gino habang ina-ayos ko yung mga gamit ko at pinagmamasdan naman niya ako.

An dami kaya niyang sinabi.

‘Hindi na ko papasok, ayan na yung mom mo’

Ano ba..hanggang ngayon di pa rin ako makapag-salita.

Ehem..I cleared my throat. ‘Thanks again Gino’ ngumiti ako sa kaniya saka humawak na sa pinto para buksan ito. 

‘See you on Friday!’

  1. juliemags posted this