’..wahahaha..ang daya mo talaga Chy!’ reklamo ko kay Chy habang naglalaro kami ng revised version ng strip game. Take note lang naman ang mga kalaro kong wholesome din, si Hen na muse ng varsity, si Chy, Vien, Aye, Mitch, Jess at s Paw, classmates ko silang lahat sa PE.
‘Ikaw Chy ah, sinasadya mo talagang itigil yung music pag ako na’ kainis talaga ito c Chy, mauubos na gamit ko eh, balak ata ako nitong paghubarin dito sa gym.
‘Haha..di ko kaya sinasadya, naka-pikit nga ako nun eh’
‘Umayos ka ah!’ tiningnan ko siya ng masama habang hinuhubad ang suot kong singsing.
At ng tumigil ang music kay Vien, laking gulat nila ng maghubad ito ng jogging pants sa harap nila. Langya talaga to si Vien, wholesome na wholesome, buti na lang may suot naman pala itong shorts.
Wahaha..laughtrip talagang laro ito.
‘Hi ladies’
Lahat kami na palingon sa pinanggalingan ng boses.
Aw, si Samie dear.
‘Uy Sam, may practice game ba kayo?’ tanong ko sa kaniya.
‘Meron po mamaya pa naman’ umupo sa tabi ko ‘Mukhang ang saya ng laro niyo ah, pasali naman’
Nagkatinginan kaming mga girls, alam na…pahubadin yan! Pero bago ang lahat pinakilala ko muna ang aking mga classmate kay Sam. In fairness mukhang inggit sila sa beauty ko at meron akong kaibigan na varsity na, guwapo pa. Lalo na itong si Paw, lagkit lang tumingin kay Sam. Wahaha…peace Paw! :)
At dahil sa loka-loka nga itong mga kaibigan ko madalas na tinatapat talagang ang pagtigil ng music kay Sam ayon, ang itsura niya ngayon shirtless na siya!!! Ang hirap lang na hindi mapansin ang kanyang mga abs.
‘Wohooo…panalo pre!’ biro ni Vien sa’kin at tinutulak pa ako kay Sam. Alam kong ginagawa nya gusto niya kong masubsob sa dibdib ni Sam.
‘Grabe..ang macho mo naman Sam, daming abs’ may pag-haplos pa talaga itong si Paw sa dibdib ni Sam ah. Mukha namang enjoy na enjoy si Sam.
‘An tagal naman ng team mates mo Sam, sali nating silang lahat’ naisip ni Jess.
At nagkatinginan na naman kami, sabay hagalpak sa tawa. Imagine mo na lang napapaligiran ka ng mga nagga-gwapuhang at machong lalake. Biglang napahinto ang aming tawanan ng makita naming dumaan sa Gino sa tapat namin. At mukhang hindi ito masaya na andito kami sa gym ngayon since may practice sila. Ewan ko ba naman dito kay Aye at tinawag pa ito.
‘Gino, sali ka sa laro namin’ aya ni Aye kay Gino ng bumalik ito sa court at mukhang nag-wa-warm-up na.
‘Yeah dude, join us na muna, maaga pa naman, wala pa yung ibang kasama natin’ dagdag pa ni Sam.
Naku, wag naman sana. Mukhang hindi na naman ako makaka-buwela sa pagiging wholesome ko sa larong ito. Saka masyadong BV yang tao na yan, hay naku.. KJ malamang. Number kontrabida sa happiness.
Hay naku, kung hindi ko nga lang siya..ala ewan!
Lalo tuloy akong naguluhimanan ng tumabi pa siya sa’kin. Anubeh! At ng mag-dampi ang mga balat namin sa braso..parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko, it was hot and seems to burn my skin that brushed against his arm.
I know I didn’t said anything from what he asked me dun sa library. Ang hirap kayang isipin kung anong tinutukoy niya. Pero as I thought about it after a few days, why not? baka gusto lang naman niya ng ka-kuwentuhan dun sa sinasabi niyang aayusin sa buhay niya. Baka naman naghahanap lang siya ng magpapalakas ng loob niya sa mga pagda-daanan niya.
Bahala ko na kung anong mangyari, bahala na kung anong kakalabasan nito. Bahala na..
’..- ay Marga, anong petsa na?’
Ha? tingin ko kay Chy.
‘Mag-hubad ka na’
‘Ah ako ba?’ yan kasi naglalakbay ang isip. Ang hirap kayang mag-concentrate pag katabi mo yung..you know! :) Hinubad ko ang suot kong cap. Last na yun, nahubad ko na shoes, watch, pati hikaw, singsing, necklace, celfone..lahat na. Ako at ang damit ko na lang ang natitira. Tinitigan ko si Chy..umayos ka! Banta ko sa kaniya.
‘Don’t worry Marga, ako bahala sa’yo’ umakbay sa’kin si Sam at kinabig ako palapit sa kaniya.
Eeee…ang dibdib!
‘Uuuy…’ tukso ng mga lola-loka kong kaibigan.
‘Yung totoo, may gusto ka ba diyan kay Sam?’ bulong sa’kin ni Sam na parang disgusted sa ideang kaming dalawa ni Sam.
‘Ang KJ mo talaga’ bulong ko din sa kaniya. Kainis talaga tong Gino na to, dapat hindi na siya pinasali.
‘Huhubad na yan..huhubad na yan’ sigaw ng mga adik kong friends kay Gino.
Hinubad nga niya ang suot niya wristwatch.
‘Wahahaha…Marga ikaw na naman!’ sigaw ni Chy sa’kin.
Langya..wala na kong huhubadin. Alangang hubadin ko tong suot kong shirt? Bra lang suot ko sa ilalim, strapless pa.
‘Dali na..dali na..’
Pressure!
‘O guys ah, ang aayaw, manlilibre!’ paalala ni Hen.
Wahaha..bad trip talaga, ubos na allowance ko.
‘Okay fine’ hinawakan ko na ang dulo ng shirt ko, bahala na si batman. Kaya ko to..laro lang naman, saka kami lang naman ang tao sa gym at nasa sulok pa kami.
Pahubad na ako…ng bigla may kamay na pumigil sa aking ginagawa.
‘Tsk, you’re really gonna do it?’ hindi makapaniwala si Gino na gagawin ko talaga ito.
Sobrang gulat ko ng makita ko Gino na agad hinubad ang suot niyang shirt habang nakatingin sa’kin.
‘Wohaaaa…’ sigawan ng mga wholesome kung friends na halos lumuwa na ang mata ng makita ang dibdib ni Gino.
‘May utang ka na naman sa’kin’ I heard Gino said without breaking his eye contact to me.
‘Sorry guys..’
Biglang bumalik ang katinuan sa aking isip ng marinig ko si Sam.
‘Ayan na si coach oh, magsisimula na ata practice naman’ Sabi ni Sam habang sinu-suot ang hinubad niyang shirt kanina, and Gino did the same.
‘Sinong talo?’ sigaw ni Chy.
‘Si Sam’ sagot namin.
‘Sino manlilibre?’
‘Si Sam’
Umiiling na natatawa na lang si Sam sa’min. ‘O sige na, manlilibre na ko, since ako yung unang umayaw’
‘Yahooo!’
Mandurugas talaga tong mga kaibigan kong to.
‘Marga, samahan mo ko’ Yaya ni Sam sa’kin.
‘Ah..sige’ ewan ko ba kung bakit napatingin ako kay Gino. It was as if, naghihintay akong payagan niya ko or it was a silent FYI na sasamahan ko si Sam. Hindi naman umimik si Gino he was just there picking his things.
‘I’ll go ahead, andyan na si coach’ paalam sa mga kaibigan ko, hindi sa akin.
‘Let’s go Marga’ aya ni Sam.
‘Parang nagtago ka ata sa’kin lately ah’ umpisa ni Sam habang patungo kami sa sasakyan niya.
‘Ha?’ pa-inosente.
‘Hmmm’ pinisil na naman ang baba ko.
‘Haha..ikaw talaga Samie, masyado kang nag-aalala’
‘Hey, I’m just concern’ kinabig niya ako.
Aw, suwerte ko talaga sa taong ito.Kahit na alam kong meron siyang pagtingin sa’kin ayaw kong isipin yun. Mas masarap maging kaibigan si Sam at ayaw kong mawala yun sa’min.
‘Okay ka lang ba?’
‘Yup’ I gave him my biggest smile.
‘Haha..kahit ngumit ka pa labas ang ngala-ngala, I will still know that something is bothering you’
‘Hey’ siniko ko siya ‘wala nga’
‘O sige, since ayaw mo namang mag-kuwento, basta you know..sabi nga dun sa kanta I will be right here….’
‘Ngeeks..right here waiting for you kaya yun!’ saway ko sa kaniya.
‘Ay haha..yun ba yun?’
Aysus, dumada-moves ata tong mokong na to.
‘What do you want to eat ba?’ Sam asked me nung andun na kami sa convenience store malapit lang sa school. Namimili kami ng bibilhin at kung ano pang naisip na bilhin ni Sam.
‘Wait lang Samie ah’ Sabi ko kay Sam. Makabili na nga ng napkin dito, bibili lang naman ako mamaya pag-uwi.
Hay naku..asan ba yung Whisper, No wings na yan..kainis puro with wings.
‘Ouch!’
‘Gino???!’
‘Naman ang sakit.. gawa ba sa bakal yang sneakers mo?’
‘Anong ginagawa mo dito?’
‘Obvious ba? Convenience store ito di ba?’
Aysus, namilosopo pa. ‘Alam kong convenience store eto, pero ba’t ka nga narito? Sinundan mo kami no?’
‘In your dreams’ poking my forehead.
Kasura! Tumalikod na ko sa kaniya para ipagpatuloy ang hinahanap ko. Bahala ka sa buhay mo.
‘Magtatagal pa ba kayo?’
Sa lagay niyang hindi niya kami sinusundan ah. Hinarap ko siya.
‘Hindi mo ba talaga kami sinusundan?’
‘Of course not! May bibilhin nga din ako’
‘Ano?’
‘Eto!’
Napkin din??? I grab the pack of napkin in his hand.
‘You’re gonna buy this?’
‘Aa…’
Huli!
“Hay naku, ewan ko sa’yo’ binato ko siya ng hawak kong napkin.
Eh ano naman kasing kung umamin siya na sinusundan niya kami ni Sam, obvious naman. Di naman niya yun ikamamatay.
-
superflorence liked this
-
julielmodabest liked this
-
saakinkalangiloveyou liked this
-
wazakakosiyakami liked this
-
clumsygirl13 liked this
-
jheikei liked this
-
julielmolage liked this
-
chaching-chaching liked this
-
funsizehippo liked this
-
eggmanshow liked this
-
charmainesrandomworld liked this
-
lifeisthemostbeautifulfairytale liked this
-
ijustlovethem liked this
-
aimandguts liked this
-
superelikemo liked this
-
celinejazmin liked this
-
majocamille liked this
-
ridinallthestars liked this
-
hiedeemaldita liked this
-
iheartsnsdsh liked this
-
alwaysyoursecondbest liked this
-
iamdanab liked this
-
ohmyjulie liked this
-
alainecastillo liked this
-
julielmodontletembringudown liked this
-
jenaration liked this
-
juliemags posted this