Mula kagabi hanggang sa pag-pasok sa school, wala ako sa tamang pag-iisip. I can still hear it.. ‘hanggang dun na lang yun..hanggang dun na lang yun’
Napaka-nega talaga ni Gino, wala pa nga eh tinatapos na niya. Mabuti pa hindi ko na lang nalaman na may gusto rin siya sa’kin. Anong use naman nun? Dapat sinarili na lang niya pagka-gusto niya sa’kin.
S***, talaga. Letseng damdamin to. What should I do? Alangan namang tanungin ko si mama? Papagalitan ako nun. Kapag sinabi ko naman kay Chy, tutuksuhin lang ako nun. And to make it worse, nalaman ko na pumunta sa Enchanted si Elmo at saka si…huhuhu… hayy…masyado talagang maraming epal sa mundo. Kawawa naman ang puso ko, durog na durog na. Ang hirap lang ng maraming loveteam, si Gino at si Elmo. Ganun talaga ang maganda Marga! :)
Damang-dama ko talaga, magiging JuliElmo ang pag-ibig ko. Daming ume-epal lang..hay naku! Pero wag naman sana..at least naman MU kami ni Gino..hehe..
sabagay, MU din naman si Julie at Elmo ah. Magpahula kaya ako? Sasabihin kaya sa’kin ng manghuhula na sunggaban ko na si Gino kahit di nanliligaw??
Buong maghapon nasa school pero wala man lang ni isang letrang pumasok sa isip ko. Bad trip tala -
‘Ano ba?!!!!’
Sisigawan ko pa sana..kaso si Gino pala, biglang napahina yung boses ko.
‘Ano ba..’ sabay iwas ko sa kaniya. Ayaw ko kaya siyang makita ngayon, maya-maya pwede na after 3 mins. LOL..
Eeee…basta ayaw ko ng kausap kahit si Gino pa. Gusto ko ng KATAHIMIKANNNN..para makapag-isip-isip.
Dinala ako ng mga paa ko sa library. Yaiks library, second time ko pa lang atang pumasok dito sa buong sem. Sinadya ko talagang ma-upo dun sa kanto, yung walang makakapag-istorbo sa’kin. Kumuha na din ako ng libro para hindi mapagkamalang baliw ako dito sa kanto.
Haayyy..
Hayyy…
Hayyy..
Puro sigh sa bawat page na binubuklat ko. Ipinatong ko ang aking ulo sa libro at pumikit..
‘Ang sakit pala ng ganito Lord’
Ilang sandali din akong nakaganun muntik pa akong maka-tulog kaya umayos uli ako ng upo.
‘Di mo ba alam na bawal matulog dito sa library?’
Muntik pa akong mahulog sa upuan ng makita ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko. Tsk, di ba sabi kong ayaw ko muna siyang makita???
‘Sinusundan mo ba ko?’
‘Kapal din naman talaga ng mukha mo. Anong feeling mo ang ganda - ganda mo para sundan kita?’
Feeling pala ah? Eh bakit umu-upo siya sa harapan ko?
And I started hearing it again ‘hanggang dun na lang yun..’ ‘hanggang dun na lang yun…’
‘I know right? May gusto ka talaga sa’kin!’ and then he made a big smile in front me.
‘Yabang’ was all I can said and I can’t help but smile as well. Kaloka talaga, hindi ba’t magdamag akong hindi pinatulog ng taong ito dahil sinaktan niya ko tapos eto ako ngayon nakikipag-ngitian na parang hindi nasaktan. Parang wala lang.
Tapos hinila niya yung dulo ng buhok ko. ‘Haha..pikon’
I was like..Gino, anubeh, kung puwede ko lang siyang hampasin ng pagmamahal, ginawa ko na.
‘Yeah, I know you said na boyfriend mo lang ang puwedeng humawak ng buhok mo’ and he looked at me seriously without taking his hands off my hair. He was twirling it in his fingers.
As if he realized he was toying with my hair, agad niyang binitawan ang buhok ko at umupo ng maayos.
‘Maikli lang ang buhok nung girlfriend ko…haha’ it was a soft laugh that didn’t reach his eyes. ‘Oops, I haven’t told you nga pala na may girlfriend na ko’
I gather my things to leave..bitter na bitter kung bitter but I don’t want to hear anything about his girlfriend. Hindi ko pa man siya nakikita o nalaman ang pangalan niya I’m starting to despise her already.
‘Marga’ hinawakan niya agad ang kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko.
‘Pakinggan mo naman ako..’ he requested…’please..’ with puppy eyes this time.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kaya bumalik na lang ako sa pagkaka-upo.
‘Dito ka lang muna.’ he was still holding my hands and looking at me. Para bang natatakot siya na iwan ko siya bigla dito sa library.
Hay, ako na talaga ang tanga. Kagabi, kaninang umaga halos isumpa ko siya tapos ngayon yun lang ang sinabi niya iba-iba na agad ang pumapasok sa isip ko. As if, there is hope for us?
‘Thank you’ he gave me that nakaka-kilig na smile.
Huminga ako ng malalim, nag-ipon ng lakas ng loob saka ko siya tinanong.
‘Anong problema?!’ Ako mismo, hindi ko alam if that question is because I am concern o because naiinis ako sa kaniya dahil feeling ko pinapakita niyang kailangan niya ako.
‘Wala! I mean…Ah..’ he seems at lost for words too. ‘Kailangan bang laging may dahilan para makipag-usap sa isang tao?’
‘Tss!’
‘Alam mo, minsan nga try to shup up your mouth naman. Isn’t it enough na magkasama tayo?’
Parang biglang pumitik sa tenga ko at higit sa lahat sa puso ko ng marinig yun.
‘And what’s that supposed to mean????”
‘Just shut up okay!’ still looking at me frowning.
So gusto niya magtinginan lang kami dito?
‘Since bayad ka na sa’kin, ako naman uutang sa’yo’
Siya uutang sa’kin? Ang yaman kaya niya.
‘What?’ just to to sure I heard him right. Baka hallucination na naman ito na laging nangyayari pag kasama ko si Gino.
‘Paulit-ulit? Paulit-ulit Marga?’
Di ko mapigilang mapa-ngiti kay Gino, para lang siyang yung mga baliw kong kaibigan kong mag-salita.
‘Wala akong pera kung uutang ka’
‘Pera lang ba ang puwedeng utangin ngayon?”
‘Malay ko, eh hindi naman ako pala-utang eh’
‘Yang utak puro kalokohan’ hinila niya ulit ang buhok ko.
Ya, right, non-sense nga ako di ba?
‘Hindi nga pera, ano ka ba!’
‘Okay, whatever it is, say it na..and I’ll do my best to do it’ since mabait naman siya. :) Weh, mabait siya o mahal mo na siya?
Then he looked straight to my eyes..
Eto na naman ang larong titigan.
Kahit ako hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniyang mga mata. I can see he was battling if he’ll say it or not.
‘Don’t leave me yet..habang may inaayos lang ako sa buhay ko’
-
superelikemo liked this
-
superflorence liked this
-
julielmodabest liked this
-
saakinkalangiloveyou liked this
-
jheikei liked this
-
wazakakosiyakami liked this
-
clumsygirl13 liked this
-
charmainesrandomworld liked this
-
iheartsnsdsh liked this
-
everythingjulielmo liked this
-
alainecastillo liked this
-
funsizehippo liked this
-
trina-japsmoe liked this
-
mosesanne liked this
-
ijustlovethem liked this
-
eggmanshow liked this
-
chaching-chaching liked this
-
julielmodontletembringudown liked this
-
ridinallthestars liked this
-
cheselify liked this
-
4dluvofjulielmo liked this
-
alwaysyoursecondbest liked this
-
ohmyjulie liked this
-
juliemags posted this