Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Fourteen

Pauwi na kami.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga batang iniwan namin.

‘Tahimik ka’

Hindi ako sumagot, non-sense ako di ba?

‘Hindi ako sanay’

I heard him again, hindi pa rin ako kumibo. Nanatili akong nakatingin sa labas na parang walang naririnig. Eh di bumili ka na kausap mong may sense.

‘Are you still thinking about the kids in the orphanage?’

Why is he asking ba? Does he care? I looked at him and said yes. I realized, nakahinto na pala yung sasakyan. I don’t know kung saan kami huminto pero tahimik ang lugar at walang masyadong sasakyan.

Nakatingin siya sa unahan pero sigurado ako wala dun ang isip niya. Magsa-salita ba siya?

I’m starting to feel uncomfortable with the situation. Plus the fact na yung puso ko an lakas ng kabog..boom..boorombombom…boorombombom… I put my hand on my chest para pigilan ang malakas at mabilis na pag tibok nito.

‘You know why I go to that place?’ He asked, without looking at me.

Yun yung tanong ko kanina di ba?

‘Para sila yung kapatid ko..’ he smiled, pero hindi yun umabot sa mga mata niya. I still can see in his eyes yung mga mukha nung mga bata na kalaro niya kanina.

I didn’t know my kapatid siya.

‘Every time I go there, nai-imagine ko yung kapatid ko, that I am playing basketball with him, nakikipag-kulitan… God, I missed him!’ 

Aww..poor Gino. Gusto kong haplusin yung likod niya o kaya yakapin siya. Kawawa naman siya..

Marga, say something..ano ka ba?

‘Aa..’ oh hell, kung gano ako kadaldal ngayon wala akong masabi. Naniniwala na talaga ako kay Gino na puro non-sense ang utak ko.

Wait, ano nga yung sinabi ni John Lloyd ng nalulungkot si Bea dun sa One More Chance? Memorize ko yun eh..wait lang..

‘He died when he was 5 years old, I was ten then.’

‘What happened?’ mahina kong tanong.

‘Car accident..we were playing sa park ng village, ako yung kasama nya nun. Then he ran after the ball..’ it was as if he was seeing what happened that day. ‘Hindi ko na sana siya yinaya dun eh’

Then he look at me at malungkot na ngumiti ‘Birthday niya ngayon..14 na sana siya’

A saw a different Gino, yung Gino na malambot ang puso, yung nakakaramdam ng pagka-miss, nakakaramdam ng sakit sa pagkawala ng isang tao.

I felt sad too, naawa ako sa kaniya. What can I do to ease his pain?

I started to reach for him, hinagod ko ang likod niya.

‘It was not your fault Gino’ then my hands went to his arms ‘I’m sure your brother is happy in heaven. Isipin mo na lang maraming kang napapasayang mga bata ngayon cause you spend your time playing with them. You share your time with many kids hindi lang sa kapatid mo like before’

He looked at me, I gave him a smile hoping that it will ease him.

‘Hug?’ I offered na with open arms pa.

He look hesitant, kaya ako na nag-initiate.

‘Ano ka ba? hug lang eh..’

Eeee..ayaw ko talagang bigyan ng malisya to promise.. friendly hug lang talaga.

’..to make you feel better. To let you know I’m with you’ while in that hugging pose, I continued rubbing his back.

In fairness, kahit galing sa paglalaro mabango siya.

‘Marga’ kumalas na siya.

Aww, and sweet lang how he said my name. Eeee…ta-tumbling ako dito promise. Bakit kaya pag siya yung bumabanggit ng pangalan ko iba..parang Maargaaahhh…na purong puro h ang pangalan ko.

He looked at me, eyes to eyes ‘Sorry ah, I know madalas kitang ina-asar..’

Surprise..surprise again. I never thought Gino will apologize sa mga nakakalokang behavior niya.

‘Wag kang maniwala sa lahat ng sinabi ko sa’yo, lahat yun di totoo’

Ows? so ibig niyang sabihin may sense naman talaga akong kausap, matalino ako, mabait, maganda..wahahaha..Puwedeng mag jump brother dito?!

‘Seriously, masuwerte yung magiging boyfriend mo.’ tugging my hair.

Eeee…Gino naman eh..anubeh!! Nagba-blush tuloy ako.

‘Sige na, bayad ka na sa’kin sa utang mo’ ngumiti na siya at ini-start uli ang sasakyan.

Wow..pre..heaven na ba to? Pinikit ko ang aking mga mata para namnamin ang mga pangyayari. Totoo ba talaga yun? As in, he said na hindi naman totoo yung mga pinagsasabi niya sa’kin pagna-aasar siya? At sinabi niya talaga na swerte ang magiging boyfriend ko, eh kung sabihin ko kayang SIYA ang magiging boyfriend ko. Di ko mapigilang mapatingin sa kaniya..ayun nahuli na naman niya akong nakatingin sa kaniya.

Napailing na lang sa’kin si Gino, pero I swear kinikilig din siya, ganda ng ngiti eh.

‘Sige na, tama na yang pag-iimagine mo na boyfriend mo ako’

‘Ha?’ realizing what he just said.. ‘Uy di ah, di ko kaya yun ini-isip’ may pahampas-hampas pa akong nalalaman.

Then it hit her..oh my gash.. am I..? baka..oh no…

Mukhang ako na bipolar dito, kanina kinikilig ngayon, kinakabahan, natatakot.

Sheems, ayaw ko ng ganito. Mabuti na yung ma-obsessed kay Elmo Magalona pero pag kay Gino, seryoso na yun eh. Pag kay Elmo, safe ako pero kay Gino, lagot ako diyan..mukhang luhaan na agad ako.

I looked at Gino, who looks okay na, maaliwalas na ang mukha niya habang nagmamaneho.

Puwedeng bang wag muna? I asked myself. Yung biro-biruan lang, wag na yung seryoso. Kahit na ina-asar niya ko at least biro lang yun. Kayang-kayang deadmahin ang sakit pero pag totoo na ang nararamdaman kahit mababaw lang na joke..big deal na.

Ayan..mukhang buma-backfire na sa’kin ang kakulitan ko.

  1. juliemags posted this