Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Twelve

‘May lakad?’

Nagulat ako sa tanong ni mama ng pumasok sa kuwarto ko. Obvious ba? gusto ko sanang isagot, pero wag, nanay ko siya baka di ako bigyan ng one week na allowance.

‘Opo’ wow.. good girl, magalang.

‘Saan?’

Inspection ma? tiningnan talaga ako mula ulo hanggang paa. Malamang, inggit ito si mudra sa beauty kasi mas maganda ako kesa nung dalaga siya. Buwahaha..di ko mapigilang mapa-ngiti habang tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin.

‘Namaaan’ gandola talaga ako. Kaya hindi nakapagtataka na ide-date ako ni Gino, di rin nakatiis ang loko, yinaya rin akong lumabas.

I can imagine those dates na nakikita ko sa movies, malamang para kaming si Julie at Elmo dun sa trailer ng Just One Summer. Wapakels..papanoorin ko talaga yun at itataga ko sa bato, boyfriend ko na by that time si Gino.

‘Hahaha..’

‘Masaya?’

Napatigil ako ng makitang nasa likod ko pa rin pala si mama. ‘Ma, labas muna po ako ah.’

‘Kahit hindi kita payagan, may magagawa ba ko? Nakabihis ka na’

‘Ay talaga naman si mama’ yinakap ko si mama ‘napaka-bait talaga’ hinalik-halikan ko pa siya.

‘Sinong kasama mo?’

‘Ate..si kuya Gino andito na’ sigaw ni Joan mula sa baba.

‘Boypren mo na ba si Gino?’

‘Wag kang mag-alala ma, malapit na’ last look sa salamin, paste that killer smile..BOOM, ganda mo Marga!

‘Adik!’

Binatukan talaga ako?

‘Mamaaa!’ sinimangutan ko siya.

‘Umuwi ka ng maaga’

‘Opo, pagdating namin dun, uwi n kami ma, promise’

‘Ako ba eh, linoloko mo?’

‘Haha..hay naku mudra, ang wrinkles’

‘Good morning po tita’

Tumayo si Gino at binati si mama. In fairness, extra looking good siya today in his 3/4 sleeve shirt. Anobeh Gino!! Sarap mong hampasin..ng pagmamahal.

‘Tita, hiramin ko po muna sandali si Marga’

Hiramin????! Ano ako laruan?!

‘Di ko alam na close kayo nitong si Marga ah’

‘Oo naman po, mabait naman po si Marga eh’

Aysus..ang plastik lang. May close bang inaaway lagi?

‘O siya, umuwi lang kayo ng maaga’

‘Opo tita.’ bumalik sa’kin ‘Let’s go Marga’ ganda lang ng ngiti, sana totoo yan. 

Sa kotse

‘Matagal ko ng alam na guwapo ako okay?’

Fail, nahuli na naman niya akong nakatulala sa kaniya, tumingin na lang ako sa labas ng sasakyan. ‘Ang plastik mo lang kay mama alam mo ba yun?’

‘Di ako plastic, respeto kamo yun, pagbibigay galang’

‘E ba’t sinabi mong close tayo? Lagi mo naman akong ina-away’

‘Makulit ka kasi!’

‘Di kaya’

‘Tama na, mag-iingay ka na naman’

‘Saan mo ko dadalhin?’

‘Feeling mo re-rape-in kita?’

‘Feeling mo gusto ko naman’

Itinabi ni Gino ang sasakyan at tiningnan ako.

No you don’t…he was just staring at me, and coming closer.

‘Gino..’ hindi ko alam kung lumabas yun sa bibig ko..is he gonna do it talaga? Lord, not here in the car, sa gilid ng kalsada sa ilalim ng matirik na araw. Wag naman, walang ka aura-aura ng romance.

Ayan na…he’s just a few inches away. Napa-pikit ako, baka di ko kayanin ang susunod na mangyayari. I can feel his breath in my neck.

‘Mag-seat belt ka nga!’ he was putting my seat belt.

Nang pagbukas ko ng mga mata ko, he’s driving already. Ang bilis naman, di ba talaga niya ko hinalikan? Eh di ba he was about to kiss me?

‘Tss, yang utak mo Marga kailangan ng overhaul alam mo ba?’

‘What?’ nagpapaka-inosente pero I still can’t forget that look in his eyes while he was coming towards me. Pero bakit ang kinatapusan eh seat belt lang pala?I looked at him again, trying to read his mind.

‘Obvious na obvious talagang patay na patay ka sa’kin no?’

Trying to understand what he is saying.

‘Alam mo ba kung anong gusto ko sa babae?’

He looked at me.

‘Yung may sense.’

So ibig bang sabihin non-sense ako?

‘Obviously, hindi ikaw yun’

Aray naman..

‘Hmp!..so ba’t ako isinama mo dito? Ba’t hindi ka mag-hanap ng babaeng may sense’

‘Wala akong choice eh, ikaw lang nahagilap na puwede’

So, last choice pala ako. An sama talaga ng ugali ng taong ito, non-sense daw ako. Sige, fine, bahala ka sa buhay mo. Try mong kausapin yang sarili mo maghapon, di kita kakausapin. Pinili ko na lang na matulog kesa sayangin ang laway ko sa kaniya.

‘Uy gising na’ someone was tugging at my hair..again!

Kainis! Di ba sabi ko wag na wag hahawakan ang buhok ko. I opened my eyes and saw Gino looking at me, nakapatong sa manibela ang kaniyang siko at mukhang kanina pa ito sa ganung posisyon.

‘We’re here?’

‘Kanina pa. Ayusin mo na sarili mo’ he turned serious again.

‘Okay na ko’ nagmadali akong ayusin ang sarili.

‘May laway dito oh’ pointing the side of his lips.

‘Ha?’ ala..sus..kahiya. I looked at the side mirror. ‘Wala naman eh!’

Nakita ko na lang si Gino nasa labas na at tumatawa.

‘Kainis, na isahan na naman ako ng mokong na yun, at iniwan talaga ko ah’

Bumaba agad ako at sinundan ko siya.

  1. juliemags posted this