Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Ten

I can’t sleep..replay pa rin ng replay sa utak ko yung nangyari kanina sa classroom. I decided to go online na lang baka sakaling makalimutan ko.

Facebook ang una kong binuksan. Nate-temp akong i-search yung FB account niya..I started typing in the search box..Ginofr..erase..erase..at nag type uli..Ginofredo Padilla, enter. Humingang malalim..this is it pansit.. stalker mode na ang lola.

Miami Heat talaga ang profile pic..obvious na adik sa basketball. Aysus..wala namang ka-info-info yung profile. Relationship..wala din. Nag-FB pa siya ah, ka-arte naman ni Gino. La-log-out na sana siya ng lumabas yung chat box niya.

Alma: Psstt..
Marga: Ate Almaaaa…*sigaw
Alma: baliw..haha..anong balita sa magandang pinsan ko?
Marga: Ay naku ate, as usual paganda ng paganda. LOL
Alma: baliw ka nga! O, ano na, kumusta sila tita?
Marga: Ayos lang te, ikaw?
Alma: Oh well, papel…may jowa na ako.
Marga: Huwaaat??? Eh di ba kaka-kuwento mo lang sa’kin last month na may jowa ka na nga.
Alma: Eh sa dinispatsa ko na yun. Bakit may angal? May reklamo?
Marga: Wala naman..haha..bilis mo lang kasi parang nagpapalit ka lang ng panty.
Alma: Marga..Marga..Marga..masyado kang inggitera.
Marga: Ala..inggitera ka diyan, naghihinay-hinay lang po ako.
Alma: Hanggang kelan ka maghihinay-hinay? Marga, matutuyo na ang regla mo.
Marga: Haha..sira. 19 pa lang ako, d kailangang magmadali.
Alma: Ang arte mo..nbsb ka pa rin haggang ngayon.
Marga: (Napa-ngiti ng maisip si Gino) Yun ang akala mo.
Alma: Aysus, kumerengkeng na din ang pinsan ko. Sino naman yang nagkamaling nagka-gusto sayo?
Marga: Langya ka talaga!!
Alma: Wag mong sabihing si Elmo Magalona yan at uuwi talaga ko para batukan kita.
Marga: Waaaaaahhh..pano mo nalaman na siya???? :))
Alma: La ka talagang kuwentang kausap, ala..log out na nga ako.
Marga: Wait..wait..lang ate..eto naman oh, d n mabiro.
Alma: Umayos ka, sayang ang dolyares kung binabayad sa internet.
Marga: Sows…seryoso na..may tanong ako.
Alma: Ano?
Marga: Eeeeeee…(kinikilig..basta pag-uusapan si Gino kinikilig talaga) hiya ako eh.
Alma: Isa..
Marga: Eto na..eto na..ah…pano mo malalaman na mahal mo na yung tao?
Alma: Haha..hanep, mukha ngang tumitibok na rin sa wakas yung puso.
Marga: Pinagtatawanan mo ko ah
Alma: Growth gap ba yan pinsan at ngayon mo lang yan naramdaman?
Marga: Buwisit ka..wag na nga.
Alma: Chill, eto naman pikon agad. Seryoso ka ba talaga?
Marga: Seryoso nga di ba? Ang alam kong love yung napapanood ko lang sa mga pelikula. Pag ikaw pala nasa sitwasyon na, mahirap pa lang malaman.
Alma: Aysus, seryoso nga..o sige. Tatanungin kita tapos sagutin mo ng maayos.
Marga: O sige
Alma: Ini-isip mo ba siya lagi? As in paggising mo sa maaga, pag mulat ng iyong mata siya agad pumapasok sa isip mo. At bago mo ipikit ang iyong mga mata, siya din ang nasa isip mo?
Marga: Mmm..nangyayari nga yun…minsan.
Alma: Aysus, may minsan pa daw, in-denial ka pa. Eto pa, bigla ka na lang napapa-ngiti pag naalala mo siya.
Marga: Nakakatawa naman kasi talaga siya eh.
Alma: Defensive. Eto pa, yung kahit asar ka sa kaniya, gusto mo pa rin siyang makita o makasama.
Marga: OK
Alma: Pag nakita mo siya parang tumitigil ang pagtibok ng puso mo at ng mundo mo. Ngiti pa lang niya lusaw ka na at pag tinitigan ka niya, ayun deadz ka na.
Marga: Mmmm…(saktong-sakto yun ah!)
Alma: Ano, ipagpapatuloy ko pa ba?
Marga: Hindi na te..alam ko na.
Alma: Na ano?
Marga: Hindi pa naman pala ko in-love..bawahaha..
Alma: Aysus na bata ka..bahala ka nga sa buhay mo.

Haha..baliw talaga tong pinsan kong to. Sumegway na lang ako sa usapan at baka kung ano pa masabi ko kay Ate Alma pero ang totoo, lahat ng sinabi niya nangyayari na sa’kin at aguuuyyy..kinakabahan ako.

Langya, kasalanan to ni Elmo Magalona eh..kung di dahil sa obsession ko sa kaniya di ko maiisip na magka-mukha sila ni Gino. Langya talaga kung kelan di mo ina-asahan saka naman merong guma-ganito sa buhay. Puwedeng bang pass mo na?

  1. iheartjulieandelmo said: Yey! Ang pinaka-hihintay kong update moe.. :))
  2. juliemags posted this