Julie Anne S. Magalona
Future and Forever: Chapter Eight

Sinubukan kung bumangon.

‘Sshhh.. don’t move baka di mo pa kaya’

Si Gino yun ah, agad kong iminulat ang mga mata ko. Si Gino nga!

‘Okay ka na?’

Umupo agad ako. Agad na inayos ang sarili. Kakahiya naman, what happened ba? Why was I lying in the bench?

‘You passed out kanina. Are you sure you’re okay na?’

Hinaplos niya ang buhok ko. Eee.. he looked concern talaga and really worried.

Was it bad kanina? Baka I made a fool out myself na. Napatingin ako sa mapupulang labi niya.

Did he really kissed me on the cheek?

‘Uuy’

He poked me on my forehead.

Panira ng moment!

‘Thank you Gino’ I said, trying say that in the sweetest voice. Nagpapa-cute.

He was just sitting there, looking at me with that smile na parang ewan..ang sarap lang ng ngiti niya. Para sa’kin ba yan Gino?

Tumayo na ito ‘Don’t mention it, I’ll do it to anyone naman in that situation’ he was gathering his things na.

Weh? Gentleman daw oh! Like kiss anyone too? Tsk..an sakit nun ah, kala ko pa naman sa’kin lang niya yun gagawin yun pala..tumayo ako para ayusin na din ang gamit ko ng tumama ang dulo ng shoes ko sa paa ng bench.

‘Aray!’ nabali ata yung kuko ah. Muntik na siyang maiyak sa sakit, pero mas naiiyak na gagawin din niya yun sa kahit sinong babae, dapat ako lang eh. Lumuhod ako para tanggaling ang shoes ko at tingnan ang kuko ko. Naputol nga yung kuko ko. Pinunasan ko yung mga luha na hnd napigilang tumulo.

‘Nag-da-drama ka na naman ba diyan?’

‘Hindi ako nagda-drama, naputol yung kuko ko..ikaw kaya maputulan ng kuko’

‘Haha..kuko lang iniyakan mo? Haha..ang babaw mo talaga Marga, alam mo ba yun? Haha..’

It was the first time I heard him laugh, really laugh and I was fascinated by hte sound of it, parang music to my ears lang. Natulala ako..

‘Tumatawa ka din pala’ I smiled and slowly, sinuot ko uli yung doll shoe ko then I sat at the bench across were he is seated.

‘Natural tao ako, abnormal ka talaga!’poking my forehead.

Kontrabida talaga, puwede namang haplusin na lang yung buhok ko o kaya yung mukha ko di ba? Ayun na eh, romantic moment na eh tapos gumaganun pa siya.

‘O naka-ngiti ka diyan?’ biglang sabi niya sa’kin.

‘Hmm..I just really wanted to say sorry for what I did last time y’know’

Sumeryoso ito..tsk, buti pa di ko na lang yung sinabi tumigil tuloy siya sa pagtawa.

‘Alin? Madami ka na kasing atraso sa’kin’

‘Yung tungkol dun sa girl -‘

‘Ah okay, nevermind’ para talagang walang planong sabihin sa’kin yung tungkol sa girl na yun. Lalo tuloy akong na-curios kung sino siya.

‘Sorry, taklesa talaga ako minsan’

‘Haha..anong minsan? Madalas kamo’

Ayun tumawa na naman siya.

‘Thank you na din sa pagtulong mo kanina at saka nung magka-sprain ako.’

‘Don’t mention it..gagawin ko naman yun sa kahit kanino na sa ganung sitwasyon’

‘You kissed me?’ I asked holding my cheeks where he kissed me.

‘Huh?’ natigilan ito at tiningnan siya.

Aamin na yan.

‘In your dreams, Marga!’ then he laugh..pinagtawanan talaga ako.

Tsk, buti pa d ko n lng yun tinanong. Naisahan na naman ako dun. Tumayo na ako para balikan yung mga gamit ko. Tumalikod ako sa kaniya para di niya makita na nasaktan ako dun ah..

‘Marga’

Natigilan ako ng maramdaman ang kamay niya sa kamay ko. I looked at it and felt like..kilig! Haha.. Eeee…

‘Sorry din for being sarcastic.’

Then I looked at him with my angelic smile. Eee… eto na talaga yung pinaka-romantic scene dito eh..wala lang ko-kontra.

‘I don’t know what it is about you..pero alam mo ba nakaka-irita ka?!’ sabay bitiw sa kamay ko.

Naka-irita talaga???? Napawi ang ngiti sa mga labi ko.

‘Yeah, I know..’ I said sadly.

‘It’s not what you think..’

‘Eh sabi mo nga nakaka-irita di ba? so shut up na lang ako’ pinag-patuloy ang pag-aayos ng gamit.

’ You better hurry up, tumawag si tita kanina, hinahanap ka na’

‘Si  mama?’

‘Yup’

Aw, uwi na kami? Tapos na yung MarGin moment??

‘Daan na lang kita sainyo, dala ko naman yung kotse’

Daan talaga, ayaw niyang gamitin yung word na ‘hatid’.

Parehas kaming tahimik sa kotse niya habang papunta sa bahay. I was too tired to make a conversation besides, sigurado naman na kokotrahin lang niya lahat ng sasabihin ko. Hayy.. I wish talagang nanahimik na lang ako dun sa mall ng magkita kami at hinayaan na lang siyang angkinin yung table na yun. I wish nanatili akong invinsible to him like I did since high school. 

Nagulat ako ng pagdating namin sa bahay si Sam agad ang sumalubong sa’min.

‘What happened?’ he was worried. Yakap sa’kin ni Sam.

‘Besi..’ si Chy naman ang yumakap sa’kin.

Si Gino nakatayo sa likod ko.

‘Anak..ano naman bang nangyari? Ba’t sa tuwing inu-uwi ka ni Gino eh lagi na lang masama ang nangyayari sa’yo’

TUHMUH! Puro kasi BV si Gino.

‘Okay na ko ma, si Gino nga tumulong sa’kin kanina.’

‘Hay naku hijo, ano na lamang ang gagawin namin kung wala ka’ yinakap ni mama si Gino.

Sus..wagas na ngiti.

‘Pumasok na kayo para makapag-meryenda na..halika na Gino anak’

Haha..anak daw, mama talaga kung ano-ano.

‘Wag na po tita, naghihintay na din po sa’kin sila mommy eh’

‘O siya, ingat ka. Hatid niyo na si Gino mga bata’

‘What happened Marga?’ tanong ni Sam habang palabas kami, nasa likod namin si Gino.

‘Na-lock ako dun sa locker ni Gino’

‘What??’

‘Ang tanga kasi’ bulong ni Gino na narinig namin.

‘Hmp!’ irap ko kay Gino. ‘But I’m okay now Sam’ humawak ako sa braso ni Sam at humilig sa balikat niya.

‘Magka-ibigan lang ba talaga kayong dalawa?’ tanong ni Gino.

‘Oo nga parang may something na sainyong dalawa ni Sam, Marga’ At gumatong pa talaga itong si Chy, baka mag-selos niyan si Gino.

‘Hindi kayo bagay’

‘Weh?’ react naman ni Chy sa sinabi ni Gino ‘Bagay kaya sila, bulag ka ba Gino?’

‘Whatever, but that’s my opinion up to you kung maniniwala kayo’

‘Nag-se-selos ka ba Gino?’ eto na naman ang taklesang bibig ko. Napa-ngiti ako sa thought na baka nga nagse-selos si Gino. Keeeleg..si Gino nag-seselos!

‘Me? Jealous of the two of you? Haha..in your face! Nanaginip ka na naman. Hindi kayo bagay kasi si Sam matinong tao ikaw, puros kabaliwan ang nasa utak mo. Gets??’

Aysus..kung makapaliwanag naman talo pa yung abogado na Ampatuan.

Defensive? Defensive?

‘Sige dude, mauna na ko’ paalam ni Gino kay Sam. ‘Bahala ka na diyan sa asungot na yan’ inginuso ako.

Asungot talaga? Kulang na lang tawagin niya kong surot eh.

‘Thanks pre, ingat sa pag-drive’ bilin ni Sam kay Gino.

I stared at Gino inside the car, wala man lang ba siyang sasabihin sa’kin, like ‘get well’, ‘ingat’ o ‘good night’ man lang??

Nahuli niya ata akong nakatingin sa kaniya, he smiled at me pero it was a kontrabida smile. Parang babangungutin ka sa panaginip pag ganun ang nakita mo.

‘I was worried about you’ Sam said to me, sabay hawak sa kamay ko, mahigpit na hawak.

‘Sorry, I never thought mangyayari yun..alam mo na, clumsy talaga ko.’

‘Next time, ingatan mo naman sarili mo okay? It’s not all the time that I’m with you’ hinawakan niya ang baba ko at itinaas ang aking mukha.

‘Ehem..’

Andun pala si Chy..haha! Sabay naming liningon si Chy sa likod namin.

‘Thanks Sam, promise I’ll take care of myself next time’ then I hugged him, tight.

Salamat sa kaibigang katulad ni Sam. Para siyang charger na pag lobatt na ako, pina-palakas niya.

‘Baka sinadya mo naman yun Marga’ bulong ni Chy sa’kin ng pabalik na kami sa loob ng bahay.

‘Sira, papatayin ko ba sarili ko?’

‘Malay ko ba, sadyang maluwag ang sintido mo eh’

‘Haha..magkaibigan nga kayong dalawa’ natatawang sabi ni Sam sa’min.

  1. juliemags posted this