Julie Anne S. Magalona
Miss Moe?

Nakita niyo na ba itsura ni Julie at Elmo pag nami-miss nila isa’t-isa? Ganito oh:

Tulala

      

Malungkot

    

Umiiyak

    

Mainit Ulo

PERO PAG MAG-KASAMA NA SILA ULI, GANITO OH…

Ehem..ang mga ngiti

Walang hiwalayan

Ang mga titigan..

Ang mga kuwentuhan…

At ang mga hawakan kung saan-saan…

Ang di ko lang alam kung meron nito…

CTTO, I do not own any of the photos.

hey juliemags, kelan next ff mo?? Promoter mo ito hahahaha. Marami na kasi ung nagtatanong sa akin kung may new ff ka na. :))

Elow pre, malapit na..hehe, parang movie lang no? Kunting antay na lang. :)

Future and Forever: End

‘Marga..’ tawag sa’kin ni Gino na naka-unan sa lap ko. Hehe..ang siste, andito pala kami sa kuwarto niya kasi maglalaro siya ng video games. Kaloka,nagmukha na naman akong engot kanina. Ayan, na-sermunan tuloy ako ni Gino at pinagsabihan na madumi daw ang isip ko. Kakapanood ko daw kasi ng mga love story at kakasunod dun sa mga love-team ek-ek. I so hate it talaga when he calls it love-team ek-ek.

‘Hmmm..be quiet okay?’ tinakpan ko ng kamay ko ang bibig ni Gino. Ina-abangan ko kaya yung JuliElmo, may guesting sila ngayon sa Eat Bulaga.

Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya ‘What are you watching? I thought you still have to go to school’

‘Tsk, school? Haler.. kanina pa kita yinayaya na ihatid ako, late na kaya ako, saka yung uniform ko crumpled na’ kung maka-unan naman kasi si Gino daig ko pa ang unan. ‘Besides, I’m waiting for JuliElmo they’re performing today’

‘Gross..may napapala ka ba diyan sa kakapanood mo niyan?’

‘Mas gross ka, baduy, di mo ba alam sila ang hottest love team in the universe?!’ IKR, eksaherada talaga ko. Hehe.. ‘Saka nakakakilig kaya sila’

‘Mas kinikilig ka pa sa kanila kesa sa’kin?’

Hm? Medyo natigilan ako dun, tiningnan ko siya na naghihintay pala ng sagot ko. ‘Seryoso ka ba?’

‘I am’ binalik ang tingin sa linalaro niya.

‘Aysus, seriously, nagse-selos ka ba kay Elmo?’ Haha..parang tae lang noh? Pinagse-selosan niya yun?? Haler?

At hindi daw sumagot yung kausap ko. He just shrugged and continued playing. Kilala ko na ito si Gino eh, he’s too good to be caught in such a ‘cheesy’ situation. Madalas nga yung mga lambing niya dinadaan pa niya sa pagsusuplado.

Binalik ko ang tingin ko sa TV since Julie and Elmo are performing na.

‘And if I said yes?’ biglang nagsalita

So tanong-tanongan peg kami ngayon?

‘Why would you be jealous of him?’

‘Eh ikaw, bakit ka ba nagse-selos noon kay Carol?’

So tanong-tanongan talaga kami.

‘Well..’ nag-isip ako ‘..because, I hate it when you smile at her tapos feeling concerned ka pa sa kaniya. I should be the only reason you smile.’ piningot ko siya, ang sarap kasi paglaruan ng ear lobes niya.

‘Tsk, smile lang nagselos ka na? Ikaw nga kung makatili ka diyan kulang na lang halikan mo yung linalakaran niya. Saka yung room mo ang lalaki ng poster niya tapos ako isang 5R photo lang sa may bedside table mo’

Ang ikli nung tanong ko, nobela ang sagot. Pero naloloka naman ako kay Gino, itsurang varsity player pero tanda yung mga poster ko dun sa room at yung nag-iisang 5R photo niya on top of it pinagseselosan si pogi who doesn’t even know I exist.

‘Sus, pasalamat ka nga 5R di wallet size..haha’

‘Not funny Marga’

Bigla tuloy akong tumigil sa pagtawa at tiningnan si Gino. Poor Gino, nagtampurorot dahil kay Elmo boy.

‘Why do you even drool over him in the first place? He’s just like anybody else, I’m way better than him..’

Wow..haba ng hair ko ah.

Bumangon si Gino at naupo sa tabi ko, then he pulled me to sit in his lap.

‘Let me tell you this, ngayon ko lang to sasabihin ah, di ko na uulitin so hear me out. Wag paulit-ulit, di ako unli..’

Hehe..comedian? Pero I’m starting to feel nervous about what he is about to say, ang seryoso kasi ng mukha niya. Alam niyo naman itong si Gino, unpredictable, kahit once di ko pa nabasa isip niya.

‘I may not be as handsome as he is…’

Kasi mas guwapo nga siya kay Elmo..para sa’kin..hehe, wag niyo kong batuhin, walang-basagan ng trip!

I can’t help but smile as he started to speak.

‘I may not be that good when it comes to showing how much I love you..

Trudis!

’..nor I am your ideal leading man in your favorite romantic movie. Pero mahal na mahal na mahal kita..’

With emphasis sa tatlong mahal, at 3 kasi sakto for I love you. #alammoyan

’..I’ll do everything under heaven and earth to be the man who deserves your love. And to answer your question a while ago, I love you cause you’re the craziest girl I’ve ever met and your craziness makes me crazy about you. Your unique, one of a kind, hindi pirated..

so DVD ako?

’..and whatever you’ll become, will never, ever stop me from wanting you and loving you.’

Yinakap niya ko, pahigpit ng pahigpit and then he whispered

‘I love you so much Marga, you just don’t know how happy and blessed I am to have you.’

I was like ‘nganga’ while listening to him. But eventually hindi ko napigilang maluha, I was touched by how sincere he said those words to me. He isn’t really good in showing his feeling lalo na talking about it. I know he made an effort to say those stuff to me. And really, punong-puno ng kilig yung buong katawan ko, from head to toe. Hehe..

*Sniff

‘Oh, why are you crying?’ he wiped my eyes with his hands. ‘Don’t you like what I said?’

‘Ikaw kasi..’ hinampas ko siya sa dibdib ‘nakaka-inis ka, may pa-ganyan-ganyan ka pa..’

‘Tsk, what the hell!’ ayaw na ayaw niya talaga ng emotional scenes. Yinakap niya muli ako.

‘Thank you Gino..thank you talaga’ that’s all I can say, what else can I say? Ako naman itong si madaldal pero pag mga ganitong situation walang maisagot na matino. #akonatalaga ‘Gino..’ kumalas ako sa yakap at tinitigan ko siya.

‘I love you beh’

Corny ko no? Hehe..I can’t think of anything appropriate to tell him but exactly what I feel for him.

‘Don’t call me that please’

Ang arte talaga.

‘But you’re my baby’ I insisted.

‘But I don’t like it, it’s like jologs’

‘Ok, whatever basta..I.love.you.’

Unti-unti siyang ngumiti and his face lighten up. Bihira lang lumabas yang ganyang mga ngiti kaya pag nakita ko yun I know he’s so happy. At yun ang importante, he is happy with me.

‘Alam ko..’

Yabang talaga.

‘Kahit na ngayon mo lang yan sinabi sa’kin.’

‘Ha? Ngayon lang ba?’

‘Ngayon lang po’

‘But I th…’ hindi ko na natapos yung sasabihin ko, he covered my mouth with his. It was a soft and slow kiss full of emotions.

‘I’m gonna love you more than you love me.’ he said after ending the kiss.

I saw him getting something in his pocket. A small box..

Ow Em…please don’t tell me he’s gonna..

Proposed???

Hindi pa ko handa..promise baka mapa-oo ako nito.

‘What.. is… that?’ nauutal ako.

It’s indeed a ring..

He took one ‘It’s a promise ring, not engagement ring nor wedding ring..’

Aw, kala ko mag-propose na siya sa’kin..hehe.

He took my hand and put it on the third finger of my left hand. ‘There, looks good’

‘So what does this ring promises?’ I asked while looking closely at the ring I am wearing.

Pointing at the engraving at the inside of the ring. ‘Gino & Marga - My future & forever’ He read it aloud. ‘So every time you look at this ring, maalala mo you’ turo sa’kin ‘and I have a future and forever together. Got that?’

I nodded and took the other ring and put it in the third finger of his left hand too.

‘What do you think?’ I asked looking at our holding hands.

‘Perfect!’ stealing a hot kiss again. Hmmm..a habit of his that I love. :))

‘What if mag-break tayo?’ lalungs naisip ko lang di ba? Posible kaya yun.

He rolled his eyes showing impatience ‘What a question Marga..seriously, do you think of that happening to us?’

Ayan, na-badtrip tuloy si Gino my love.

‘Joke, eto naman.’ kurot ko sa pisngi niya.

‘Whatever, it’s not funny’ touching my hair. ‘I don’t want that to happen to us, huh?’

‘Okay, you said it!’ ako naman ngayon ang nag-smack. Promise, I’m gonna make this my habit na. :)

‘Promise?’

‘Promise’ Giving him chicken kisses on his face.

‘Seryoso?’

‘Seryoso nga’ di pa rin ako tumigil sa ginagawa ko.

‘Margaa…!’ sigaw ni Gino.

Di pa rin ako tumigil.

‘You’re not listening’ pushing me.

‘I am listening..’ pero di pa rin ako tumitigil sa paghalik sa kaniya kung saan-saan.

‘Stop it. Nakikiliti ako!’

Ngayon pa lang looking forward na ako dun sa future and forever na I’m gonna spend with him. Puno ng asaran, kulitan, away, bati, tawanan..pero higit sa lahat punong-puno, umaapaw at saksakan ng pagmamahalan.

‘…birdbrain, for pete’s sake I said stop it..ang kulit mo talaga!!!’ 

That’s my Gino screaming.. promise I’ll never get tired hearing him shout. :)

(AN: Sorry, waley akong nahanap na orange and blue ring.)

Future and Forever: Chapter Thirty-Nine

Dali-dali kong kinapa yung celfone ko sa bag bago pa man malaman ni Miss na naka-bukas phone ko.

Huh? Si Gino? Ba’t siya tumatawag? Then I canceled the call.

Tapos tumunog uli.Sinulyapan ko uli ang fone ko, tsk, ang kulit talaga.

Di ba niya alam na may class ako? I canceled the call again and decided to turn it off ng mag text ang mokong.

From Gino Masungit: Where the hell are you? Why are you not answering my call?!

Hay naku Gino, patience..patience. And take note wala man lang hello babe, o kahit baby na lang. Amp..kung hindi lang talaga kita mahal!!

I replied: I have a class po okay? I’m going to turn off this phone na lagot ako kay Miss pag nahuli niya ako.

Gino Masungit: May lakad tayong importante. Mag-paalam ka na lang kay Miss.

Baliw talaga to, I’m in the middle of my class tapos pinapalabas ako.

Replied: Ayaw ko.

Pagmamatigas ko.

And then out of nowhere, I saw him standing at the door talking to miss.

‘Okay Santos, you are excuse. May emergency daw sa family niyo.’ 

I can’t believe this is happening. Gino got his way again kahit kay prof.

‘Ah, okay po..’ I said slowly while gathering my things. ‘Sige po miss, thank you po’ paalam ko pagdating sa may pinto. Buti na lang no one asked kung bakit si Gino yung nagpa-alam sa’kin.

‘Gino, ano na naman to?’ I hissed at him. Hindi puwedeng kahit may klase hihilahin na lang niya ako.

‘Ay naku, don’t argue na bilisan mo’ hila sa’kin.

‘San ba kasi tayo pupunta? At ano naman yang emergency na yan? May klase pa ko pag nalaman to ni mama lagot ka, sige, susumbong kita. Besides -

‘Marga, for once, just shut up okay? Nakaka-irita ang inga-ingay mo, an sakit sa tenga’

Alululu..nagre-reklamo?! Syo-syotain ako tapos mag-re-reklamo na maingay ako??!

Hindi na nga ako umimik, pero ng makita ko na papunta sa bahay yung dinadaanan naming kalsada.

‘Uwi tayo sa bahay?’ ala, baka may emergency nga, kinabahan ako.

‘Sa bahay namin.’

‘Ha? Bakit? Anong meron?’ sunod-sunod kong tanong, first time ko kayang makapunta sa bahay nila. ‘Andun ba mommy mo?’ Ayaw ko ngang pumunta dun pag andun mom niya, magsu-suplada lang yun.

‘Margaaa…’ then gave me that looks that could kill if I will not shut my mouth. I know naiirita na siya sa’kin

‘Sorry!’ I mumbled, sumandal na lang ako at tumanaw sa labas. Ano ba talagang meron?

Pumasok na kami sa village. Wow..may guwardiya pa sila ah? Pang-mayaman. Hehe..wala kasing guwardiya yung village namin at wala ring gate. Kaya labas-pasok mga tao dun.

‘Be a good girl and behave okay’ para naman akong bata sa mga bilin ni Gino.

Hindi ako sumagot. Nakita kong may nagbukas ng mataas at malaking gate. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bahay nila Gino..menn, malaki talaga. Ngayon lang ako nakarating dito, di ako magala eh.

Inaayos ko na gamit ko when Gino talked again.

‘Okay, so..’ then he took a deep breath ‘you promise ah, magbe-behave ka and your mouth, watch your mouth ah.’

Eto naman si Gino kung makapag-salita akala mo naman kung nagmumura ako, di naman ah..minsan lang pag grabe na talaga.

‘Sige na mag-ayos ka na muna..’ looking at me.

I pulled my comb from my bag ‘Ano ba kasi ang meron at ang dami pang cheche-bureche..I need to behave, watch my word, be a good girl..anong meron?’

‘Andiyan nga si mommy saka si dad, papakilala kita’

Ha? Tumigil ako sa kalagitnaan ng aking pagsusuklay. ‘Ba’t di mo sinabi sa’kin??!’ di man lang ako nakapag-handa, naka-uniform kaya ako. Sana nag-dress man lang ako, nagpa-derma, nagpa-spa, parlor, pedi at mani. I’m soooo plain kaya today.

‘Tsk..wag na, mag-ayos ka man, ganyan pa din magiging itsura mo’

Puwedeng manaksak? Kung makapaglait naman ito, parang hindi niya ko gelpren.

‘Ako ba Gino, ginagago mo? Girlfriend mo ba talaga ako?’ may hands on my waist ‘Ka-asar ka tlga mghjkrweeadfgnf..-‘

The last thing I know, he was kissing me on my lips with his hands holding my face.

‘…Gihnoh…’ literally puro h yung lumalabas na sound sa bibig ko. Ayan, caught up na naman ako, di makapag-salita, makapag-react..eeeehh..kasi eh..si Gihnog kasi eh..

‘Wag ka na mag-lipstick, wag ka na rin mag-blush on’

‘Ah…’ my mouth was closed again by a very short sweet kiss that left me breathless.

‘Hurry up, nakakarami ka na sa’kin’ he said habang palabas ng sasakyan. Samantalang ako di pa rin maka-move on sa stolen kiss na yun, habang hawak ng dalawang kamay ko ang aking pisngi na umiinit.

Yun si Gino eh, laging spur of the moment kung kumilos kaya malamang magiging bipolar ako nito pag nagtagal.

‘Psst, what are you waiting for? Another kiss?’ Sabi nito sa’kin hawak ang pinto ng kotse na binukasan niya.

‘Eto na nga po’ nagmadali akong lumabas ng sasakyan bago pa uminit na naman ang ulo niya.

Kumalma ako ng maramdaman ko ang paghawak ng kamay niya sa kamay ko.

‘Remember what I said okay?’ fixing my bangs ‘Nagpagupit ka ba?’ he stopped suddenly frowning while looking sa ayos ng buhok ko.

‘Ah..medyo, kunti lang’

‘Tsk, next time let me know if you’re goona have your hair cut’ naglakad na uli kami papasok sa bahay nila.

I rolled my eyes..pati ba buhok ko? ‘It’s just a hair Gino, besides nagpa-trim lang naman ako halos nga di ko naramdaman na umikli buhok ko. What’s wrong with that? Unless gusto mo ikaw magupit sa buhok ko..’ napa-ngiti ako, imagining Gino with a scissor in his hand.

‘Joke? Corny!’

Basag-trip talaga!

And so we argue over some petty stuff, but I find it fun arguing with him kahit sa mga maliliit na bagay lang. Gino tends to be control freak most of the time, buhok, damit, laging may side comment.

‘Walang kagana-gana..’

‘Be quiet, andun na sila mom’ pointing sa living room nila.

I can feel their gazes while we walk towards them. Pakiramdam ko it was the longest walk I did sa mga tingin nila. I hope hindi halata na conscious na conscious ako at kinakabahan.

‘Mom, Dad..si Marga po’

Na-realize ko na lang kaharap ko na sila at eto nakikipag-kuwentuhan with Gino beside me and holding my hand. Pero hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang mga pinag-uusapan, ngimi-ngiti lang ako.

Siguro kung dart pins yung mga mata ng mommy ni Gino kanina pa ko na bullseye. Ilang beses na hinagod ng mata niya ang buong pagkatao ko pati nga ata kaluluwa ko nakita na niya. See-through kung makatingin eh. On the other hand, Gino’s dad is one of the coolest dad I met on Earth.

Yung pagka-sporty ni Gino he got from his dad, while you pagiging perfectionist naman is from his mom.

Lunch went well, feeling ko lang nasa beauty contest ako with the questions I answered.

What is the essence of being Gino’s boyfriend?
Would you change your religion…?
If you would change one part in your body…

Joke, di naman yun ang mga tanong, pero nakaka-tense kaya, lalo na yung mom ni Gino. Hindi naman sa ayaw kong magustuhan nila ako but I do hope somehow they saw that I’m the girl who makes Gino happy. :)

‘It was nice meeting you Marga’

That’s Gino’s dad, na sweet din. Malamang sa kaniya nagmana si Gino ng kakornihan sa swet-sweetan.

‘Same here po Mr. Pa-‘

‘Tito na lang’ tapping my shoulder.

Eeee..close na kami. Si mudra na lang..

‘We’ll go ahead son. May lakad pa kami ng dad mo’

Enk, d magpa-paalam sa’kin?

‘Thanks for coming dear.’ Turning to me. Ngumiti lang ako, di ko alam kung anong sasabihin ko, I was not expecting she’ll say something to me.

‘Sorry about last time. I know Gino loves you and if that makes him happy being with you so be it, kung saan masaya ang anak ko, dun ako’

‘Thank you po’ Sana nga nasabi ko yun, mental block ako eh.

‘Pero wag kang magpapadala sa kaniya, matigas ulo niyan.’

‘Oo nga po’ smiling. I agree to the highest level, mag si-side comment pa sana ako kaya lang naramdaman ko yung kamay ni Gino at the back of my neck, baka sakalin ako.

Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalabas na yung sasakyan nila ng bahay.

‘Hay…thank God!’ hinampas ko si Gino sa braso niya ‘Pahamak ka talaga kahit kelan.’

‘Yahooo..’ yakap sa’kin. ‘Finally, okay na din lahat.’

‘Okay, will you take me to school?’

‘School?’ bigla siyang kumalas, then with that kakaibang look in his face na parang may naisip na gawin, bumulong siya sa’kin ‘Let’s go to my bedroom.’

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Gino. ‘Ginoo???!’ How could he suggest such thing to me? ‘How could you…?’ I’m disappointed. I turned my back on him to get my stuff at the couch.

Kahit naman loka-loka ako di naman ganun kalala ang sayad ko para pumayag dun. Akala ba niya porke’t mahal ko siya, okay na lang ang ganun? Of course not. Dalagang Filipina ako no..kahit di obvious.

jrealm said: I do love your story…keep it up! RomCom is cool and you are good in it…never had that in me…I always wait for your update/s…:)

»> Good morning, early bird. Thanks for reading! :)